The Implications of God’s Grace
DAILY DEVOTIONAL (12-7-2021)
1 For this reason, I, Paul, the prisoner of Christ Jesus for the sake of you Gentiles—2 Surely you have heard about the administration of God’s grace that was given to me for you, 3 that is, the mystery made known to me by revelation, as I have already written briefly. 4 In reading this, then, you will be able to understand my insight into the mystery of Christ, 5 which was not made known to people in other generations as it has now been revealed by the Spirit to God’s holy apostles and prophets. 6 This mystery is that through the gospel the Gentiles are heirs together with Israel, members together of one body, and sharers together in the promise in Christ Jesus. 7 I became a servant of this gospel by the gift of God’s grace given me through the working of his power. (Ephesians 3:1-7)
1 Dahil dito, akong si Pablo ay naging bilanggo para kay Cristo Jesus alang-alang sa inyong mga Hentil. 2 Marahil ay nabalitaan na ninyo na dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay pinagkatiwalaan niya ako ng tungkuling ito para sa inyong ikabubuti. 3 Tulad ng naisulat ko na sa ilang salita, ipinaalam sa akin ng Diyos ang kanyang lihim na panukala. 4 At habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa lihim na panukalang isinakatuparan ni Cristo. 5 Ito’y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at mga propeta. 6 At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay mga tagapagmana rin tulad ng mga Judio, kabilang din sa iisang katawan, at may bahagi sa pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 7 Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako’y ginawa niyang lingkod upang ipangaral ang Magandang Balita. Ang tungkuling ito’y ibinigay niya sa akin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. (Efeso 3:1-7)
Paliwanag
Ang kagandahang-loob ng Diyos ay isang tawag hindi lang para sa kaligtasan kundi para sa paglilingkod rin. Ang bawat mananampalataya na nakatanggap at nakaranas ng biyaya ng Diyos ay may tungkulin na ipahayag ang Mabuting Balita sa ibang tao ayon sa kakayanan na ibinigay ng Diyos sa kanila.
[bctt tweet=”Ang kagandahang-loob ng Diyos ay isang tawag hindi lang para sa kaligtasan kundi para sa paglilingkod rin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 3:1-7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit marami sa mga mananampalataya ang hindi nagbabahagi ng Mabuting Balita sa ibang tao?
2. Bakit kailangan matutunan ng bawat mananampalataya ang bagay na ito?
3. Paano natin isasagawa ito sa buhay natin?
Main Idea
“Ang kagandahang-loob ng Diyos ay isang tawag hindi lang para sa kaligtasan kundi para sa paglilingkod rin.” (“God’s grace is a calling not just to salvation but also to ministry.”)
[bctt tweet=”God’s grace is a calling not just to salvation but also to ministry.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.