The Great Commission Lifestyle
DAILY DEVOTIONAL (3-18-2022)
2 Devote yourselves to prayer, being watchful and thankful. 3 And pray for us, too, that God may open a door for our message, so that we may proclaim the mystery of Christ, for which I am in chains. 4 Pray that I may proclaim it clearly, as I should. 5 Be wise in the way you act toward outsiders; make the most of every opportunity. 6 Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone. (Colossians 4:2-6)
2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. 5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao. (Colosas 4:2-6)
Paliwanag
Sa pamamagitan ng pakikiisa ng lahat, matutupad natin ang Dakilang Tagubilin ni Cristo. Lahat tayo ay tinawag ng Diyos upang makiisa sa gawain na ito. Hindi lamang ang mga pastor ang dapat nagpapahayag ng Mabuting Balita. Dapat lahat tayo ay kasali dito.
[bctt tweet=”Sa pamamagitan ng pakikiisa ng lahat, matutupad natin ang Dakilang Tagubilin ni Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 4:2-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit hindi lahat ng mga mananampalataya ang nagpapahayag ng Mabuting Balita?
2. Paano tayo magkakaroon ng pamumuhay na ayon sa Dakilang Tagubilin ni Cristo?
3. Paano natin ipatutupad ito?
Main Idea
“Sa pamamagitan ng pakikiisa ng lahat, matutupad natin ang Dakilang Tagubilin ni Cristo.” (“Through everyone’s participation, we can fulfill the Great Commission.”)
[bctt tweet=”Through everyone’s participation, we can fulfill the Great Commission.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.