The Gift of Righteousness
DAILY DEVOTIONAL (5-5-2022)
1 What then shall we say that Abraham, our forefather according to the flesh, discovered in this matter? 2 If, in fact, Abraham was justified by works, he had something to boast about—but not before God. 3 What does Scripture say? “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness.” 4 Now to the one who works, wages are not credited as a gift but as an obligation. 5 However, to the one who does not work but trusts God who justifies the ungodly, their faith is credited as righteousness. 6 David says the same thing when he speaks of the blessedness of the one to whom God credits righteousness apart from works: 7 “Blessed are those whose transgressions are forgiven, whose sins are covered. 8 Blessed is the one whose sin the Lord will never count against them.” 9 Is this blessedness only for the circumcised, or also for the uncircumcised? We have been saying that Abraham’s faith was credited to him as righteousness. 10 Under what circumstances was it credited? Was it after he was circumcised, or before? It was not after, but before! 11 And he received circumcision as a sign, a seal of the righteousness that he had by faith while he was still uncircumcised. So then, he is the father of all who believe but have not been circumcised, in order that righteousness might be credited to them. 12 And he is then also the father of the circumcised who not only are circumcised but who also follow in the footsteps of the faith that our father Abraham had before he was circumcised. (Romans 4:1-12)
1 Tungkol kay Abraham na ating ninuno, ano naman ang masasabi natin? Ano ang kanyang karanasan tungkol sa bagay na ito? 2 Kung itinuring siya ng Diyos na matuwid dahil sa mga nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos. 3 Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos na matuwid.” 4 Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran. 5 Ngunit ang hindi nananalig sa sariling mga gawa kundi sumasampalataya sa Diyos na nagpapawalang-sala sa makasalanan ay itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa kanyang pananampalataya. 6 Kaya’t tinawag ni David na pinagpala ang taong itinuring ng Diyos na matuwid nang hindi dahil sa sarili nitong mga gawa. Sinabi niya, 7 “Pinagpala ang mga taong pinatawad na ang pagsuway, at ang mga taong pinawi na ang mga kasalanan. 8 Pinagpala ang taong hindi na pagbabayarin ng Panginoon sa kanyang mga kasalanan.” 9 Ang pagpapala kayang ito’y para lamang sa mga tuli? Hindi! Ito’y para rin sa mga di-tuli. Sinasabi natin, batay sa Kasulatan na itinuring na matuwid ng Diyos si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya. 10 Kailan iyon nangyari? Bago siya tinuli, o pagkatapos? Bago siya tinuli, at hindi pagkatapos. 11 Ang kanyang pagtutuli ay naging tanda na siya’y itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa pananampalataya niya noong hindi pa siya tuli. Kaya’t siya’y naging ama ng lahat ng mga sumasampalataya sa Diyos, at sa gayon, sila’y itinuring na matuwid kahit hindi sila tinuli. 12 At siya’y ama rin ng mga tuli, hindi lamang dahil sa kanilang pagiging tuli, kundi dahil sa sila’y sumunod sa halimbawa ng pananampalataya ng ating ninunong si Abraham noong bago siya tuliin. (Romans 4:1-12)
Paliwanag
Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay kaloob ng Diyos. Hindi natin ito pinagtatrabahuan. Hindi rin natin pwede ito asahan nang basta-basta dahil lamang sa kung sino tayo sa mga panlabas na katangian. Ito ay kaloob o regalo sa atin at hindi obligasyon ng Diyos sa atin.
[bctt tweet=”Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay kaloob ng Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 4:1-12).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na maunawaan natin na ang katuwidan sa harap ng Diyos ay kaloob mula sa Diyos?
2. Ano ang mga maling pananaw ng mga tao patungkol sa pagiging matuwid sa harap ng Diyos?
3. Paano natin ito maipatutupad sa buhay natin?
Main Idea
“Ang pagiging matuwid sa harap ng Diyos ay kaloob ng Diyos.” (“Becoming righteous before God is a gift from God.”)
[bctt tweet=”Becoming righteous before God is a gift from God.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.