The Focus of God’s Judgment
DAILY DEVOTIONAL (4-27-2022)
12 All who sin apart from the law will also perish apart from the law, and all who sin under the law will be judged by the law. 13 For it is not those who hear the law who are righteous in God’s sight, but it is those who obey the law who will be declared righteous. 14 (Indeed, when Gentiles, who do not have the law, do by nature things required by the law, they are a law for themselves, even though they do not have the law. 15 They show that the requirements of the law are written on their hearts, their consciences also bearing witness, and their thoughts sometimes accusing them and at other times even defending them.) 16 This will take place on the day when God judges people’s secrets through Jesus Christ, as my gospel declares. (Romans 2:12-16)
12 Ang mga Hentil ay walang Kautusan ni Moises. Sila ay nagkakasala at paparusahan nang hindi batay sa Kautusan. Ang mga Judio ay mayroong Kautusan. Sila ay nagkakasala at hahatulan batay sa Kautusan. 13 Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ng Diyos. 14 Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito’y nagiging kautusan na para sa kanila. 15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila’y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila’y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan. 16 Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga lihim ng mga tao’y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus. (Romans 2:12-16)
Paliwanag
Ang makatarungang paghatol ng Diyos ay nakatuon sa puso. Kaya walang maipagmamalaki ang sinuman sa harapan ng Diyos. Dahil lantad lahat ng ating puso sa Panginoon, hindi makakatakas ang sinuman sa paghuhukom ng Diyos sa huling araw. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ang kaligtasan.
[bctt tweet=”Ang makatarungang paghatol ng Diyos ay nakatuon sa puso.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 2:12-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Saan nakatuon ang paghuhukom ng Diyos sa huling araw?
2. Bakit mahalaga na malaman natin ito?
3. Ano ang gagawin mo bilang pagtugon dito?
Main Idea
“Ang makatarungang paghatol ng Diyos ay nakatuon sa puso.” (“God’s fair judgment will be focused on the heart.”)
[bctt tweet=”God’s fair judgment will be focused on the heart.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.