The Bad News About All of Us
DAILY DEVOTIONAL (5-28-2021)
21 Ito ang natuklasan ko: kapag nais kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin. 22 Sa kaibuturan ng aking puso, ako’y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. 23 Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; binibihag ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang naninirahan sa aking katawan. 24 Kay saklap ng aking kalagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito na nagdadala sa akin sa kamatayan? 25 Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya! (Roma 7:21-25)
Paliwanag
Naiisip ng karamihan sa atin na di hamak na mabuti naman tayo kung ikukumpara natin ang ating sarili sa ibang tao. O di kaya’y sasabihin natin na meron lamang tayo konting problema o kasalanan. Sasabihin natin sa sarili natin o sa ibang tao na hindi naman kasi tayo perfecto. Dahil rito, ang karamihan sa atin ay hindi nakakaunawa ng tunay natin kalagayan at pangangailangan. Hindi tayo mabuting tao at kailanman hindi natin kayang maging mabuting tao sa harap ng Diyos. Tanging biyaya lamang ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus ang maaari magligtas sa atin.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Roma 7:14-25).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit naiisip ng karamihan na mabuti naman silang tao kung ikukumpara sa iba?
2. Ano ang katotohanan na dapat natin maunawaan patungkol sa ating sarili?
3. Bakit kailangan maunawaan natin ito at tanggapin bilang katotohanan?
4. Paano mo ito ipapatupad sa iyong buhay simula ngayon?
Main Idea: “Tanging ang masamang balita tungkol sa atin ang mag-uudyok sa atin na tanggapin ang Mabuting Balita para sa atin.” (“Only the bad news about us can enable us to accept the good news for us.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.