Teaching What Believers Need To Learn So They Can Grow
DAILY DEVOTIONAL (10-8-2021)
11 We have much to say about this, but it is hard to make it clear to you because you no longer try to understand. 12 In fact, though by this time you ought to be teachers, you need someone to teach you the elementary truths of God’s word all over again. You need milk, not solid food! 13 Anyone who lives on milk, being still an infant, is not acquainted with the teaching about righteousness. 14 But solid food is for the mature, who by constant use have trained themselves to distinguish good from evil. (Hebrews 5:11-14)
11 Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa. 12 Dapat sana’y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo’y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin ng Salita ng Diyos. Dapat sana’y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. 13 Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at wala pang karanasan tungkol sa mabuti at masama. 14 Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at dahil sa pagsasanay ay marunong nang kumilala ng pagkakaiba ng mabuti at masama. (Hebreo 5:11-14)
Paliwanag
Huwag lang tayo magturo sa mga mananampalataya. Turuan natin ang mga mananampalataya kung ano ang kailangan nilang matutunan, hindi yung gusto natin ituro sa kanila. Kailangan maunawaan natin kung nasaan sila sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya. Gabayan natin sila at tulungan na maunawaan ang kalooban ng Diyos para sa kanila at kung paano sila tutugon rito.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Hebreo 5:11-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang madalas na paraan ng pagtuturo na nakasanayan natin habang tayo ay lumalaki? Bakit hindi ito epektibo?
2. Ano ang tamang paraan ng pagtuturo para sa mga alagad ni Cristo?
3. Paano natin ito isasagawa sa ating grupo?
Main Idea: “Turuan natin ang mga mananampalataya kung ano ang kailangan nilang matutunan, hindi yung gusto natin ituro sa kanila.” (“Teach believers what they need to learn, not what we want to teach them.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.