Teaching Spiritual Leaders How To Trust The Holy Spirit
DAILY DEVOTIONAL (9-10-2021)
16 “I am sending you out like sheep among wolves. Therefore be as shrewd as snakes and as innocent as doves. 17 Be on your guard; you will be handed over to the local councils and be flogged in the synagogues. 18 On my account you will be brought before governors and kings as witnesses to them and to the Gentiles. 19 But when they arrest you, do not worry about what to say or how to say it. At that time you will be given what to say, 20 for it will not be you speaking, but the Spirit of your Father speaking through you. (Matthew 10:16-20)
16 “Tingnan ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya’t maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati. 17 Mag-ingat kayo sapagkat kayo’y dadakpin at isasakdal sa mga Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga. 18 Dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin, upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil. 19 Kapag iniharap na kayo sa hukuman, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magsasalita sapagkat ipagkakaloob sa inyo sa oras na iyon ang inyong sasabihin. 20 Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo. (Mateo 10:16-20)
Paliwanag
Hindi madali ang humayo at ipalaganap ang Mabuting Balita. Maraming hadlang at pagsubok na haharapin. Ngunit, kahit ano pa ang mga kahirapan natin sa panahon na ito, hindi pa rin ito maikukumpara sa pagdurusa ng mga unang alagad ni Cristo. Mas marami ang kanilang pinagdaanan. Ngunit hindi sila natinag. Naging matatag sila at nagpatuloy sa pinag-uutos ni Cristo. Ito rin ang dapat gawin natin ngayon. Sa tulong ng Banal na Espiritu ay magtatagumpay rin tayo.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:16-20).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang mga hadlang o pagsubok na maaari natin maranasan ngayon kung ipapahayag natin ang Mabuting Balita?
2. Paano natin mapagtatagumpayan ito sa tulong ng Panginoon?
3. Ano ang gagawin natin sa mga darating na araw para mapatupad ito sa ating grupo?
Main Idea: “Hindi madali ang humayo ngunit kakayanin natin ito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu.” (“Reaching out is challenging but we can overcome through the Holy Spirit.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. 😄