Teaching Spiritual Leaders How To Proclaim The Gospel
DAILY DEVOTIONAL (9-9-2021)
9 “Do not get any gold or silver or copper to take with you in your belts— 10 no bag for the journey or extra shirt or sandals or a staff, for the worker is worth his keep. 11 Whatever town or village you enter, search there for some worthy person and stay at their house until you leave. 12 As you enter the home, give it your greeting. 13 If the home is deserving, let your peace rest on it; if it is not, let your peace return to you. 14 If anyone will not welcome you or listen to your words, leave that home or town and shake the dust off your feet. 15 Truly I tell you, it will be more bearable for Sodom and Gomorrah on the day of judgment than for that town. (Matthew 10:9-15)
9 Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso. 10 Sa inyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay. 11 “Saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan at kayo ay tumuloy sa bahay niya habang kayo’y nasa lugar na iyon. 12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ 13 Kung karapat-dapat ang mga nakatira doon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo iyon. 14 At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa. 15 Tandaan ninyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.” (Mateo 10:9-15)
Paliwanag
Paano malalaman kung ang isang tao ay handa na maging isang espirituwal na tagapamuno? Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita. Ang mga tagasunod ni Cristo na handa ng makiisa sa gawain ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ay handa na rin upang maging isang espirituwal na tagapamuno. Ito ang tunay na palatandaan ng paglago, at hindi lamang ang kaalaman sa Biblia.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:9-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano ang palatandaan na lumalago tayo sa ating pananampalataya?
2. Bakit ito ang dapat maging palatandaan?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa upang lumago sa pananampalataya?
Main Idea: “Ang unang palatandaan para sa mga espirituwal na tagapamuno ay ang pagpapahayag ng Mabuting Balita.” (“The first ministry test for potential spiritual leaders is proclaiming the Gospel.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.