Teaching Spiritual Leaders How To Handle Rejections
DAILY DEVOTIONAL (9-13-2021)
21 “Brother will betray brother to death, and a father his child; children will rebel against their parents and have them put to death. 22 You will be hated by everyone because of me, but the one who stands firm to the end will be saved. 23 When you are persecuted in one place, flee to another. Truly I tell you, you will not finish going through the towns of Israel before the Son of Man comes. (Matthew 10:21-23)
21 “Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. 22 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 23 Kapag inusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Tandaan ninyo: bago ninyo mapuntahan ang lahat ng bayan ng Israel, darating na ang Anak ng Tao. (Mateo 10:21-23)
Paliwanag
Dapat natin tanggapin na hindi lahat ng mga tao ay tatanggap sa Mabuting Balita ni Cristo. Meron mga tao na hindi makikinig o mananampalataya. Ang iba ay magiging palaban sa ating mensahe. Baka meron rin ilan na magiging marahas pa sa atin. Bahagi ito ng pagpapatupad natin ng Dakilang Tagubilin ni Cristo. Hindi dapat tayo matinag. Patuloy lamang tayo sa ating pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 10:21-23).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kailangan na tanggapin natin na hindi lahat ay makikinig o mananampalataya sa Mabuting Balita?
2. Ano ang dapat natin gawin kapag nangyari ito?
3. Ilan sa atin ang nakaranas nito at paano kayo tumugon?
Main Idea: “Kahit tanggihan tayo, patuloy natin tuparin ang Dakilang Tagubilin ni Cristo.” (“In spite of rejection, we must continue to fulfill the Great Commission.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.