Teaching Small Group Leaders And Members To Stay Faithful To Christ
DAILY DEVOTIONAL (11-11-2021)
17 But, dear friends, remember what the apostles of our Lord Jesus Christ foretold. 18 They said to you, “In the last times there will be scoffers who will follow their own ungodly desires.” 19 These are the people who divide you, who follow mere natural instincts and do not have the Spirit. 20 But you, dear friends, by building yourselves up in your most holy faith and praying in the Holy Spirit, 21 keep yourselves in God’s love as you wait for the mercy of our Lord Jesus Christ to bring you to eternal life. 22 Be merciful to those who doubt; 23 save others by snatching them from the fire; to others show mercy, mixed with fear—hating even the clothing stained by corrupted flesh. (Jude 1:17-23)
17 Mga minamahal, alalahanin ninyo ang sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 18 Noon pa’y sinabi na nila sa inyo, “Sa huling panahon, may lilitaw na mga taong mapanlait at sumusunod sa masasamang pagnanasa ng laman.” 19 Ito ang mga taong lumilikha ng pagkakabaha-bahagi, mga makamundo at wala sa kanila ang Espiritu. 20 Ngunit magpakatatag kayo, mga minamahal, sa inyong kabanal-banalang pananampalataya. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. 21 Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay kayo sa ating Panginoong Jesu-Cristo na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan dahil sa kanyang habag sa atin. 22 Kaawaan ninyo ang mga nag-aalinlangan. 23 Agawin ninyo ang iba upang mailigtas sa apoy. Ang iba nama’y kaawaan ninyo nang may halong takot; kasuklaman ninyo pati ang mga damit nilang nabahiran ng kahalayan. (Judas 1:17-23)
Paliwanag
Ang manatiling tapat kay Cristo ay pananagutan natin sa isa’t isa bilang mga tagasunod ni Cristo. Huwag natin hayaan ang sinuman na manlamig o maligaw ng landas. Tulungan natin ang isa’t isa. Siguraduhin natin na ang bawat isa ay meron matibay na pundasyon sa pananampalataya at lumalago sa kanilang relasyon kay Cristo.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Jude 1:17-23).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kailangan magtulungan tayo sa ating pananampalataya?
2. Paano natin ito maisasagawa sa ating grupo?
3. Kumusta na ang bawat isa sa atin sa ating paglakad sa Panginoon?
Main Idea
“Ang manatiling tapat kay Cristo ay pananagutan natin sa isa’t isa bilang mga tagasunod ni Cristo.” (“Remaining faithful to Christ is our mutual responsibility as followers of Christ.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.