Teaching Potential Leaders How To Provide Spiritual Direction
DAILY DEVOTIONAL (10-27-2021)
13 Now that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles[a] from Jerusalem. 14 They were talking with each other about everything that had happened. 15 As they talked and discussed these things with each other, Jesus himself came up and walked along with them; 16 but they were kept from recognizing him… 30 When he was at the table with them, he took bread, gave thanks, broke it and began to give it to them. 31 Then their eyes were opened and they recognized him, and he disappeared from their sight. 32 They asked each other, “Were not our hearts burning within us while he talked with us on the road and opened the Scriptures to us?” (Luke 24:13-16, 30-32)
13 Nang araw ding iyon, may dalawang alagad na naglalakad papuntang Emaus, isang nayong may labing-isang kilometro[b] ang layo mula sa Jerusalem. 14 Pinag-uusapan nila ang mga pangyayari. 15 Habang sila’y nag-uusap, lumapit si Jesus at nakisabay sa kanila, 16 ngunit siya’y hindi nila nakilala na para bang natatakpan ang kanilang mga mata… 30 Nang siya’y kasalo na nila sa pagkain, dumampot siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos; pagkatapos, pinagpira-piraso iyon at ibinigay sa kanila. 31 Noon nabuksan ang kanilang mga mata at nakilala nila si Jesus, subalit siya’y biglang nawala sa kanilang paningin. 32 Nasabi nila sa isa’t isa, “Kaya pala nag-aalab ang ating puso habang tayo’y kinakausap niya sa daan at ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!” (Lucas 24:13-16, 30-32)
Paliwanag
Kailangan alam ng mga magiging leader kung paano tumulong sa mga tao sa kanilang paglalakbay kasama ang Panginoon. Dapat maging pamilyar sila sa pagkilos ng Panginoon sa buhay ng isang tao at kung paano sila tutugon at susunod nang ayon sa pananampalataya. Ito ang pinakamahalang tungkulin ng isang espirituwal na leader.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 24:13-16, 30-32).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit kailangan marunong ang isang leader kung paano magbigay ng espirituwal na gabay (spiritual direction) sa kanyang mga kasamahan sa loob ng isang malitt na grupo (small group)?
2. Paano niya ito matututunan bilang isang leader?
3. Nangyayari ba ang spiritual direction sa ating grupo? Paano natin ito maisasagawa?
Main Idea: “Kailangan alam ng mga magiging leader kung paano tumulong sa mga tao sa kanilang paglalakbay kasama ang Panginoon.” (“Potential Leaders must know how to help others in their journey with God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.