Teaching New Followers To Depend On Christ
DAILY DEVOTIONAL (9-2-2021)
23 Then he got into the boat and his disciples followed him. 24 Suddenly a furious storm came up on the lake, so that the waves swept over the boat. But Jesus was sleeping. 25 The disciples went and woke him, saying, “Lord, save us! We’re going to drown!” 26 He replied, “You of little faith, why are you so afraid?” Then he got up and rebuked the winds and the waves, and it was completely calm. 27 The men were amazed and asked, “What kind of man is this? Even the winds and the waves obey him!” (Matthew 8:23-27)
23 Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga alagad. 24 Habang sila’y naglalayag sa lawa, si Jesus ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng mga alon ang bangka. 25 Kaya nilapitan ng mga alagad si Jesus at ginising. “Panginoon, iligtas ninyo kami! Mamamatay kami!” sabi nila. 26 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!” Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. 27 Namangha silang lahat at sinabi, “Ano kayang uri ng tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!” (Mateo 8:23-27)
Paliwanag
Hindi sapat na patanggapin lamang natin ang mga tao kay Cristo. Ang mahalaga sa lahat ay maturuan natin sila na magtiwala kay Cristo para sa bawat pangangailangan nila. Ito ang palatandaan natin kung tunay ba na naliligtas ang isang tao: natututo ba siyang magtiwala kay Cristo para sa lahat ng kanyang pangangailangan sa buhay? Hanggang niya natututunan ito, mananatiling marupok ang kanyang pananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:23-27).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Ano-ano ang mga pangangailangan ng mga tao na siyang nagiging dahilan ng kanilang pangangamba o pagkatakot sa buhay?
2. Bakit mahalaga higit sa lahat na matutunan nila na magtiwala kay Jesus para sa lahat ng kanilang pangangailangan?
3. Kumusta na ang bawat isa sa atin sa grupo pagdating sa bagay na ito?
Main Idea: “Ang magtiwala kay Jesus para sa bawat pangangailangan ang pinakamahalagang aral na dapat ituro.” (“Trusting Jesus for every need is the most important lesson to teach.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.