Teaching New Followers How To Pursue Life-Giving Relationships
DAILY DEVOTIONAL (9-3-2021)
32 He said to them, “Go!” So they came out and went into the pigs, and the whole herd rushed down the steep bank into the lake and died in the water. 33 Those tending the pigs ran off, went into the town and reported all this, including what had happened to the demon-possessed men. 34 Then the whole town went out to meet Jesus. And when they saw him, they pleaded with him to leave their region. (Matthew 8:32-34)
32 Sinabi ni Jesus, “Sige, lumayas kayo.” Lumabas nga sila sa dalawang lalaki at pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang tumakbo papunta sa bangin, nahulog sa lawa at nalunod. 33 Nagtakbuhan papuntang bayan ang mga tagapag-alaga ng mga baboy. Pagdating doon, ipinamalita nila ang buong pangyayari, pati ang naganap sa mga lalaking sinapian ng mga demonyo. 34 Kaya’t lumabas ang buong bayan upang salubungin si Jesus. Pagkakita sa kanya, ipinakiusap nilang lisanin niya ang kanilang lupain. (Mateo 8:32-34)
Paliwanag
Hindi mahirap na hikayatin ang isang tao na manalangin ng “sinner’s prayer” o yung pagtanggap kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang mahirap ay yung turuan sila kung paano mamuhay nang ayon sa pag-ibig, una sa Diyos at pangalawa sa kapwa. Ito ang pinakamahirap at isang matinding hamon sa pagsasagawa ng mga alagad ni Cristo sapagkat hawak ng diyablo ang pag-iisip ng karamihan sa mga tao.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:32-34).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahirap na turuan ang mga tao kung paano mamuhay nang ayon sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa?
2. Ano-ano ang mga hadlang sa puso at isipan ng isang tao para siya ay matuto nito?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa na mamuhay nang ayon sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa?
Main Idea: “Ang turuan ang mga tao na mamuhay ayon sa pag-ibig ay ang pinakamahirap na aspekto ng pagsasagawa ng mga alagad ni Cristo.” (“Teaching people to live a life of love is the most challenging aspect of discipleship.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.