Teaching Leaders To Care For The Small Group Entrusted To Them
DAILY DEVOTIONAL (11-5-2021)
25 “Now I know that none of you among whom I have gone about preaching the kingdom will ever see me again. 26 Therefore, I declare to you today that I am innocent of the blood of any of you. 27 For I have not hesitated to proclaim to you the whole will of God. 28 Keep watch over yourselves and all the flock of which the Holy Spirit has made you overseers. Be shepherds of the church of God, which he bought with his own blood. 29 I know that after I leave, savage wolves will come in among you and will not spare the flock. 30 Even from your own number men will arise and distort the truth in order to draw away disciples after them. 31 So be on your guard! Remember that for three years I never stopped warning each of you night and day with tears. (Acts 20:25-31)
25 “Nakisalamuha ako sa inyo habang nangangaral tungkol sa Kaharian. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. 26 Kaya’t sa araw na ito’y sinasabi ko, wala akong pananagutan kung mapahamak ang sinuman sa inyo, 27 sapagkat hindi ako nag-atubiling ipahayag sa inyo ang buong layunin ng Diyos. 28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pangangasiwa. Pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak. 29 Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad nilang lalapain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyo’y may lilitaw na mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mahikayat na sumunod sa kanila ang mga alagad. 31 Kaya’t mag-ingat kayo. Alalahanin ninyong tinuruan ko kayo araw at gabi sa loob ng tatlong taon, at maraming luha ang pinuhunan ko. (Gawa 20:25-31)
Paliwanag
Magiging responsable lamang ang mga lider kapag sila ay may pananagutan. Kapag walang pananagutan, mapapabayaan ang mga mananampalataya. Madalas naliligaw ng landas ang mga tao. Ngunit kapag ang mga leader mismo ang naligaw, kawawa ang mga mananampalataya.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 20:25-31).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mahalaga na magkaroon ng pananagutan ang mga leaders?
2. Ano ang katibayan na ang mga leader ay responsable?
3. Paano natin matutulungan ang mga leaders natin na magkaroon ng pananagutan at maging responsable?
Main Idea
“Magiging responsable lamang ang mga lider kapag sila ay may pananagutan.” (“Only when leaders are accountable can they be responsible.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.