Teaching Leaders How To Equip Their Small Group Members
DAILY DEVOTIONAL (11-8-2021)
32 “Now I commit you to God and to the word of his grace, which can build you up and give you an inheritance among all those who are sanctified. 33 I have not coveted anyone’s silver or gold or clothing. 34 You yourselves know that these hands of mine have supplied my own needs and the needs of my companions. 35 In everything I did, I showed you that by this kind of hard work we must help the weak, remembering the words the Lord Jesus himself said: ‘It is more blessed to give than to receive.’ ” (Acts 20:32-35)
32 “At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salitang nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Ito ang makakapagpatibay sa inyo at makakapagbigay ng mga pagpapalang inilaan sa lahat ng kanyang ginawang banal. 33 Hindi ko hinangad ang ginto, pilak o pananamit ninuman. 34 Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. 35 Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap.’” (Gawa 20:32-35)
Paliwanag
Lalago at magiging ganap lamang ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng salita ng Diyos. Hindi sa pamamagitan ng kwentuhan at pagkakaibigan lamang. Kailangan ang pundasyon ng buhay ng isang mananampalataya ay ang salita ng Diyos. Kapag siya ay lumalago dito, lalago rin ang kanyang buong pagkatao.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Gawa 20:32-35).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit kailangan pahalagahan ang salita ng Diyos sa buhay ng mga mananampalataya?
2. Paano ito isinasagawa?
3. Ano ang gagawin natin sa ating grupo para mapatupad ito?
Main Idea
“Lalago at magiging ganap lamang ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng salita ng Diyos.” (“People can only grow to maturity through the word of God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.