Teaching Followers How To Be Faithful Stewards
DAILY DEVOTIONAL (9-6-2021)
9 As Jesus went on from there, he saw a man named Matthew sitting at the tax collector’s booth. “Follow me,” he told him, and Matthew got up and followed him. 10 While Jesus was having dinner at Matthew’s house, many tax collectors and sinners came and ate with him and his disciples. 11 When the Pharisees saw this, they asked his disciples, “Why does your teacher eat with tax collectors and sinners?” 12 On hearing this, Jesus said, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. 13 But go and learn what this means: ‘I desire mercy, not sacrifice.’ For I have not come to call the righteous, but sinners.” (Matthew 9:9-13)
9 Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. 10 Nang si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nasa bahay, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila’y magkakasalong kumain. 11 Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad, “Bakit nakikisalo ang inyong guro sa mga maniningil ng buwis at sa mga makasalanan?” 12 Narinig sila ni Jesus at siya ang sumagot, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 13 Humayo kayo at unawain ang kahulugan nito: ‘Habag ang nais ko at hindi handog.’ Sapagkat naparito ako upang tawagin ang mga makasalanan, hindi ang mga matuwid.” (Mateo 9:9-13)
Paliwanag
Paano natin malalaman na ang puso ng isang tao ay nagbabago na? Isa sa mga palatandaan ay may kinalaman sa pangangasiwa ng kayamanan. Sa pamamagitan ng regular na pagbibigay, natututo ang isang tagasunod ni Cristo na pahalagahan ang kaharian ng Diyos sa kanyang buhay. Hindi lamang sa pamamagitan ng minsanan na pagbibigay kundi sa pamamagitan rin ng regular at may disiplinang pagbibigay. Ito ay ay isang mabisang palatandaan ng pagbabago ng puso ng isang tao.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 9:9-13).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit palatandaan ng pananampalataya ang pangangasiwa ng kayamanan o pagbibigay?
2. Bakit hindi ito nasasagawa ng karamihan sa mga mananampalataya lalo na ngayon?
3. Kumusta na ang bawat isa sa atin pagdating sa pagbibigay sa gawain ng Diyos?
Main Idea: “Ang pangangasiwa ng kayamanan ay palatandaan ng tunay at lumalagong pananampalataya.” (“Stewardship is a manifestation of real and growing faith.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.