Starting Young
DAILY DEVOTIONAL (7-19-2022)
41 Every year Jesus’ parents went to Jerusalem for the Festival of the Passover. 42 When he was twelve years old, they went up to the festival, according to the custom. 43 After the festival was over, while his parents were returning home, the boy Jesus stayed behind in Jerusalem, but they were unaware of it. 44 Thinking he was in their company, they traveled on for a day. Then they began looking for him among their relatives and friends. 45 When they did not find him, they went back to Jerusalem to look for him. 46 After three days they found him in the temple courts, sitting among the teachers, listening to them and asking them questions. 47 Everyone who heard him was amazed at his understanding and his answers. 48 When his parents saw him, they were astonished. His mother said to him, “Son, why have you treated us like this? Your father and I have been anxiously searching for you.” 49 “Why were you searching for me?” he asked. “Didn’t you know I had to be in my Father’s house?”[a] 50 But they did not understand what he was saying to them. 51 Then he went down to Nazareth with them and was obedient to them. But his mother treasured all these things in her heart. 52 And Jesus grew in wisdom and stature, and in favor with God and man. (Luke 2:41-52)
41 Taun-taon, tuwing Pista ng Paskwa, ang mga magulang ni Jesus ay pumupunta sa Jerusalem. 42 Nang siya’y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian. 43 Sila’y umuwi na pagkatapos ng pista. Ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. 44 Sa pag-aakalang siya ay kasama ng pangkat, nagpatuloy sila sa maghapong paglalakbay. Pagkatapos, siya ay hinanap nila sa kanilang mga kamag-anak at mga kakilala, ngunit 45 hindi nila natagpuan si Jesus. Kaya’t bumalik sila sa Jerusalem upang doon maghanap. 46 Pagkalipas ng tatlong araw, si Jesus ay natagpuan nila sa loob ng Templo. Siya’y nakaupong kasama ng mga guro. Nakikinig siya at nagtatanong sa kanila, 47 at ang lahat ng nakakarinig sa kanya ay hangang-hanga sa kanyang pang-unawa at mga sagot. 48 Namangha rin ang kanyang mga magulang nang siya’y makita. Sinabi ng kanyang ina, “Anak, bakit mo naman ginawa ito sa amin? Lubha ang aming pag-aalala ng iyong ama sa paghahanap sa iyo.” 49 Sumagot si Jesus, “Bakit po ninyo ako hinahanap? Hindi po ba ninyo alam na ako’y dapat mamalagi sa bahay ng aking Ama?”[a] 50 Ngunit hindi nila naunawaan ang sinabi niyang ito. 51 Siya’y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya’y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng bagay na ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso. 52 Patuloy na lumaki si Jesus sa pangangatawan, lumawak ang kanyang karunungan at lalong naging kalugud-lugod sa Diyos at sa mga tao. (Lucas 2:41-52)
Paliwanag
Ang mga bata ay maaari mag-umpisa nang maaga sa pagkilala at pagsunod sa Panginoon. Huwag natin hintayin pa kapag malaki na sila. Mas mahirap ito, bagamat hindi naman imposible. Gawin natin ang lahat para habang maaga pa ay makakilala na sila sa Panginoon at sumunod na sila sa Kanya bilang Panginoon at Tagapaglistas.
[bctt tweet=”Ang mga bata ay maaari mag-umpisa nang maaga sa pagkilala at pagsunod sa Panginoon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 2:41-52).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit madalas nakakakilala lamang sa Panginoon ang mga tao kapag matanda na sila?
2. Paano natin matutulungan ang mga bata na makakilala at maglingkod sa Panginoon?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang mga bata ay maaari mag-umpisa nang maaga sa pagkilala at pagsunod sa Panginoon.” (“Children can start young in knowing and serving the Lord.”)
[bctt tweet=”Children can start young in knowing and serving the Lord.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.