Speaking Truthfully To Each Other
DAILY DEVOTIONAL (7-15-2021)
14 Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo’y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang buong katawan ay pinag-uugnay-ugnay ng mga kasukasuan na mula rin sa kanya. At kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, lumalaki ang katawan at pinapatatag nito ang sarili sa pamamagitan ng pag-ibig. (Efeso 4:14-16)
Paliwanag
Hindi tayo lalago sa ating pananampalataya kung hindi tayo mag-uusap nang ayon sa katotohanan sa isa’t isa. Ang katotohanan ay magmumula sa Diyos, sa pamamagitan ng Kanyang salita, at higit sa lahat sa Mabuting Balita. Kailangan paalalahanan natin ang isa’t isa sa katotohanan nang may pag-ibig. Magtulungan tayo na maunawaan ang katotohanan at ipamuhay ito.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Efeso 4:14-16).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit kailangan na magpaalalahanan tayo sa isa’t isa?
2. Ano ang kailangan para magawa natin ito?
3. Ano ang kailangan magbago sa atin para magawa natin ito sa ating grupo?
Main Idea: “Para lumago nang sama-sama, kailangan magsalita ng katotohanan sa isa’t isa.” (“Growing together requires speaking the truth to each other.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.