Simply Enjoying God’s Presence
DAILY DEVOTIONAL (6-17-2021)
Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh’y aking mapagmasdan, at doo’y humingi sa kanya ng patnubay. (Awit 27:4)
Paliwanag
Ang paglapit sa Diyos nang nag-iisa (silence and solitude) ay hindi isang trabaho na dapat gawin. Ito ay bunga ng ating personal na relasyon sa Diyos dahil kay Cristo. Sa pamamagitan ng simpleng kasiyahan sa Kanyang presensiya, maaari natin maranasan ang pagiging malapit sa Diyos araw-araw. Wala tayo dapat gawin kundi maging masaya lamang sa Kanyang piling.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 27:4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Ang pagiging masaya sa piling ng Diyos palagi ay napakagandang karanasan. Ngunit hindi lahat nakakaranas nito. Bakit kaya?
2. Paano mo mararanasan ang ganitong uri ng kasiyahan sa piling ng Diyos?
3. Ano ang gagawin mo para matupad ito?
Main Idea: “Ang pagiging malapit sa Diyos ay nag-uumpisa sa simpleng kasiyahan sa Kanyang piling.” (“Intimacy with God starts with simply enjoying His presence.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.