Sharing The Gospel As A Community Of Faith
DAILY DEVOTIONAL (8-13-2021)
2 Devote yourselves to prayer, being watchful and thankful. 3 And pray for us, too, that God may open a door for our message, so that we may proclaim the mystery of Christ, for which I am in chains. 4 Pray that I may proclaim it clearly, as I should. 5 Be wise in the way you act toward outsiders; make the most of every opportunity. 6 Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone. (Colossians 4:2-6)
2 Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. 3 Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. 4 Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. 5 Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon. 6 Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao. (Colosas 4:2-6)
Paliwanag
Para magtagumpay ang isang komunidad ng mga mananampalataya, kinakailangan ang tatlong bagay. Una, kinakailangan ang isang Core Team. Sa madaling salita, isang grupo ng mga lider na siyang mangangasiwa ng komunidad. Dapat nauunawaan nila ang Mabuting Balita at nakatalaga sila para mamuhay nang ayon dito. Pangalawa, kailangan rin na naka-focus ang grupo kay Cristo at sa Kanyang kaharian. Sa madaling salita, kailangan ang karamihan sa mga miyembro ay mga tagasunod ni Cristo. Ikatlo, kailangan may pagtatalaga ang grupo na magpahayag ng Mabuting Balita.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 4:2-6).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga ang tatlong bagay na binanggit sa devotional patungkol sa isang komunidad ng mga mananampalataya?
2. Gaano katotoo ang bawat isa rito sa ating grupo?
3. Paano natin mapapatupad ang bawat isa rito sa grupo natin?
Main Idea: “Pagdating sa pagbabahagi ng Mabuting Balita, lahat ay dapat makilahok ngunit hindi sa pamamagitan nang pare-parehong pamamaraan.” (“When it comes to sharing the Gospel, everyone should be involved but not in the same way.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.