Serving One Another In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-16-2021)
10 Each of you should use whatever gift you have received to serve others, as faithful stewards of God’s grace in its various forms. 11 If anyone speaks, they should do so as one who speaks the very words of God. If anyone serves, they should do so with the strength God provides, so that in all things God may be praised through Jesus Christ. To him be the glory and the power for ever and ever. Amen. (1 Peter 4:10-11)
10 Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. 11 Ang nangangaral ay dapat salita ng Diyos ang ipangaral. Ang naglilingkod ay dapat maglingkod gamit ang lakas na kaloob sa iyo ng Diyos upang sa lahat ng bagay siya’y papurihan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sa kanya ang kapangyarihan at karangalan magpakailanman! Amen. (1 Pedro 4:10-11)
Paliwanag
Kalooban ng Diyos na hindi lamang tayo tumatanggap ng tulong sa ibang tao. Kinakailangan rin na lumalago tayo para tumulong sa iba. Ito ang dahilan kung bakit tayo nag-aaral ng salita ng Diyos at sumasali sa iba’t ibang uri ng training. Ito rin ang dahilan kung bakit bahagi dapat tayo ng isang komunidad ng mga mananampalataya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (1 Pedro 4:10-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Naglilingkod ba ang bawat isa sa atin sa ating grupo?
2. Ano ang dapat mangyari para matuto tayong maglingkod sa isa’t isa?
3. Paano natin ito mauumpisahan?
Main Idea: “Mapapalakas natin ang isa’t isa sa pamamagitan ng paglilingkod sa isa’t isa ayon sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos.” (“We can strengthen each other by serving one another through God’s grace and power.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.