Sent by Jesus
DAILY DEVOTIONAL (9-2-2022)
When Jesus had called the Twelve together, he gave them power and authority to drive out all demons and to cure diseases, 2 and he sent them out to proclaim the kingdom of God and to heal the sick. 3 He told them: “Take nothing for the journey—no staff, no bag, no bread, no money, no extra shirt. 4 Whatever house you enter, stay there until you leave that town. 5 If people do not welcome you, leave their town and shake the dust off your feet as a testimony against them.” 6 So they set out and went from village to village, proclaiming the good news and healing people everywhere. 7 Now Herod the tetrarch heard about all that was going on. And he was perplexed because some were saying that John had been raised from the dead, 8 others that Elijah had appeared, and still others that one of the prophets of long ago had come back to life. 9 But Herod said, “I beheaded John. Who, then, is this I hear such things about?” And he tried to see him. (Luke 9:1-9)
Tinipon ni Jesus ang Labindalawa at binigyan sila ng kapangyarihan at karapatang magpalayas ng mga demonyo at magpagaling ng mga may sakit. 2 Isinugo sila ni Jesus upang mangaral tungkol sa kaharian ng Diyos at upang magpagaling ng mga maysakit. 3 Sila’y pinagbilinan niya, “Huwag kayong magbabaon ng anuman sa inyong paglalakbay, kahit tungkod, balutan, tinapay, salapi, o bihisan man. 4 Makituloy kayo sa sinumang tumanggap sa inyo, at manatili kayo sa bahay nito hanggang sa pag-alis ninyo sa bayang iyon. 5 Kung hindi naman kayo tanggapin ng mga tao sa isang bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa bilang babala laban sa kanila.” 6 Kaya’t humayo ang mga alagad at pumunta sa mga nayon. Ipinangaral nila ang Magandang Balita at pinagaling ang mga maysakit sa lahat ng dako. 7 Nabalitaan ni Herodes na pinuno ng Galilea ang lahat ng mga nangyayari. Nabagabag siya sapagkat may nagsasabing muling nabuhay si Juan na Tagapagbautismo. 8 Sinasabi naman ng iba, “Nagpakita si Elias.” May nagsasabi pang, “Ang isa sa mga propeta noong unang panahon ay muling nabuhay.” 9 Ngunit sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko na si Juan. Sino kaya ang lalaking ito? Marami na akong nababalitaan tungkol sa kanya.” Kaya sinikap niyang makita si Jesus. (Lucas 9:1-9)
Paliwanag
Isinugo tayo sa mundo ni Jesus upang maging kinatawan Niya. Walang sinuman sa mga mananampalataya ang hindi sinugo. Dahil rito, tayong lahat ay mga “apostol”.
[bctt tweet=”Isinugo tayo sa mundo ni Jesus upang maging kinatawan Niya.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 9:1-9).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang pakiramdam mo nuong malaman mo na ikaw pala ay isa rin “apostol”?
2. Bakit mahalaga na malaman ito?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Isinugo tayo sa mundo ni Jesus upang maging kinatawan Niya.” (“We are sent into the world by Jesus to represent Him.”)
[bctt tweet=”We are sent into the world by Jesus to represent Him.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.