Sacred Companionship – Belonging To One Another
DAILY DEVOTIONAL (7-13-2021)
3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. 4 Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, 5 gayundin naman, kahit na tayo’y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa. (Roma 12:3-5)
Paliwanag
Karamihan sa mga tao ngayon, maging ang mga mananampalataya, ang namumuhay ng makasarili. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng iba. Hindi nila nauunawaan na tinawag tayo ng Diyos upang gamitin ang ating kakaibahan para sa ikalalago at ikabubuti ng ating samahan o komunidad. Nais ng Diyos na magtulungan tayo sa isa’t isa sapagkat tayo ay para sa isa’t isa. Ito ang pundasyon ng ating paglago sa Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Roma 12:3-5).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hirap ang mga tao na isipin ang kapakanan ng ibang tao maliban sa kanilang sarili?
2. Ano ang dapat na maging pag-iisip at pag-uugali natin bilang isang komunidad ng Panginoon?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating grupo?
Main Idea: “Tinawag tayo ng Diyos para gamitin ang ating kakaibahan para sa ikalalago ng ating samahan.” (“We are called to use our individuality to benefit the community.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.