Right Expectations
DAILY DEVOTIONAL (8-22-2022)
24 After John’s messengers left, Jesus began to speak to the crowd about John: “What did you go out into the wilderness to see? A reed swayed by the wind? 25 If not, what did you go out to see? A man dressed in fine clothes? No, those who wear expensive clothes and indulge in luxury are in palaces. 26 But what did you go out to see? A prophet? Yes, I tell you, and more than a prophet. 27 This is the one about whom it is written: “‘I will send my messenger ahead of you, who will prepare your way before you.’ 28 I tell you, among those born of women there is no one greater than John; yet the one who is least in the kingdom of God is greater than he.” 29 (All the people, even the tax collectors, when they heard Jesus’ words, acknowledged that God’s way was right, because they had been baptized by John. 30 But the Pharisees and the experts in the law rejected God’s purpose for themselves, because they had not been baptized by John.) (Luke 7:24-30)
24 Pagkaalis ng mga sugo, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Bakit kayo pumunta sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isang halamang tambo na inihahapay ng hangin? 25 Ano nga ba ang inyong dinayo roon? Isang taong may magarang damit? Ang mga nagdaramit ng mamahalin at namumuhay sa karangyaan ay nasa palasyo ng mga hari. 26 Ano nga ang inyong dinayo? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, siya’y higit pa sa isang propeta. 27 Sapagkat si Juan ang tinutukoy ng kasulatan: ‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo, upang ihanda ang iyong daraanan.’ 28 Sinasabi ko sa inyo, wala pang isinilang na mas dakila kaysa kanya. Ngunit mas dakila kay Juan ang pinakamababa sa kaharian ng Diyos.” 29 Ang lahat ng mga taong nakarinig sa kanya, pati na ang mga maniningil ng buwis ay nagpuri sa Diyos. Ang mga ito’y binautismuhan ni Juan. 30 Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa kanila sapagkat ayaw nilang magpabautismo kay Juan. (Lucas 7:24-30)
Paliwanag
Ang tamang inaasahan ay magreresulta sa pakikinig at pagsunod sa mensahe ng Diyos. Kapag umaasa tayo na mangungusap ang Panginoon sa atin, at tayo ay handa na makinig at sumunod sa Kanya, maririnig natin nang mabuti ang salita ng Diyos.
[bctt tweet=”Ang tamang inaasahan ay magreresulta sa pakikinig at pagsunod sa mensahe ng Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 7:24-30).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit maraming mga mananampalataya ang hindi nakakaranas ng pagpapala kapag sila ay nakikinig sa mensahe ng Diyos?
2. Ano ang susi para tayo ay magkaroon ng tunay na pagpapala sa pakikinig sa salita ng Diyos?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang tamang inaasahan ay magreresulta sa pakikinig at pagsunod sa mensahe ng Diyos.” (“Having the right expectations will result in hearing and obeying God’s message.”)
[bctt tweet=”Having the right expectations will result in hearing and obeying God’s message.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.