Right Choices
DAILY DEVOTIONAL (5-31-2022)
5 Moses writes this about the righteousness that is by the law: “The person who does these things will live by them.” 6 But the righteousness that is by faith says: “Do not say in your heart, ‘Who will ascend into heaven?’” (that is, to bring Christ down) 7 “or ‘Who will descend into the deep?’” (that is, to bring Christ up from the dead). 8 But what does it say? “The word is near you; it is in your mouth and in your heart,” that is, the message concerning faith that we proclaim: 9 If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. 10 For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved. 11 As Scripture says, “Anyone who believes in him will never be put to shame.” 12 For there is no difference between Jew and Gentile—the same Lord is Lord of all and richly blesses all who call on him, 13 for, “Everyone who calls on the name of the Lord will be saved.” (Romans 10:5-13)
5 Ganito ang isinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang tumutupad sa Kautusan ay mabubuhay ayon dito.” 6 Ngunit ganito naman ang sinasabi tungkol sa pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’” upang pababain si Cristo. 7 “Huwag mo ring sabihin, ‘Sino ang bababâ sa kailaliman?’” upang muling buhayin si Cristo. 8 Sapagkat ganito ang sinasabi, “Malapit sa iyo ang mensahe, nasa iyong bibig at nasa iyong puso.” Ang tinutukoy dito’y ang salitang ipinapangaral namin tungkol sa pananampalataya. 9 Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay itinuturing na matuwid ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang bibig at sa gayon ay naliligtas. 11 Sinabi nga ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Kaya’t walang pagkakaiba ang katayuan ng Judio at ng Hentil. Iisa ang Panginoon ng lahat at siya’y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, 13 dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon.” (Roma 10:5-13)
Paliwanag
Ang kaligtasan ay isang simpleng desisyon, hindi isang imposibleng gawain. Huwag natin pahirapan pa ang sarili natin. Malinaw ang Mabuting Balita. Sa pamamagitan ni Cristo Jesus, lahat ay maaari maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya.
[bctt tweet=”Ang kaligtasan ay isang simpleng desisyon, hindi isang imposibleng gawain.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 10:5-13).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit ginagawang mahirap ng mga tao ang kaligtasan?
2. Bakit simple lamang ang kaligtasan ayon kay Pablo?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang kaligtasan ay isang simpleng desisyon, hindi isang imposibleng gawain.” (“Salvation is a simple decision, not an impossible task.”)
[bctt tweet=”Salvation is a simple decision, not an impossible task.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.