Right Attitudes Toward Salvation
DAILY DEVOTIONAL (6-2-2022)
1 I ask then: Did God reject his people? By no means! I am an Israelite myself, a descendant of Abraham, from the tribe of Benjamin. 2 God did not reject his people, whom he foreknew. Don’t you know what Scripture says in the passage about Elijah — how he appealed to God against Israel: 3 “Lord, they have killed your prophets and torn down your altars; I am the only one left, and they are trying to kill me”? 4 And what was God’s answer to him? “I have reserved for myself seven thousand who have not bowed the knee to Baal.” 5 So too, at the present time there is a remnant chosen by grace. 6 And if by grace, then it cannot be based on works; if it were, grace would no longer be grace. 7 What then? What the people of Israel sought so earnestly they did not obtain. The elect among them did, but the others were hardened, 8 as it is written: “God gave them a spirit of stupor, eyes that could not see and ears that could not hear, to this very day.” 9 And David says: “May their table become a snare and a trap, a stumbling block and a retribution for them. 10 May their eyes be darkened so they cannot see, and their backs be bent forever.” (Romans 11:1-10)
1 Ito ngayon ang tanong ko: Itinakwil ba ng Diyos ang kanyang sariling bayan? Hinding-hindi! Sa katunayan, ako man ay isang Israelita, mula sa lahi ni Abraham at kabilang sa lipi ni Benjamin. 2 Hindi itinakwil ng Diyos ang kanyang bayan na sa simula pa’y pinili na niya. Hindi ba ninyo alam ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias? Dumaing siya sa Diyos laban sa Israel. 3 Sinabi niya, “Panginoon, pinatay nila ang iyong mga propeta at giniba ang iyong mga altar. Ako na lamang ang natitira, at gusto pa nila akong patayin!” 4 Ngunit ano ang sagot sa kanya ng Diyos? “Nagtira ako ng pitong libong lalaking hindi sumamba sa diyus-diyosang si Baal.” 5 Ganoon din sa kasalukuyan; mayroon pang nalalabing mga hinirang ng Diyos dahil sa kanyang kagandahang-loob. 6 At kung iyon ay dahil sa kanyang kagandahang-loob, maliwanag na iyon ay hindi dahil sa gawa, sapagkat kung ang ginawa ng tao ang batayan, hindi na iyon masasabing kagandahang-loob. 7 Ano ngayon? Hindi nakamtan ng bansang Israel ang kanyang minimithi. Ang mga hinirang lamang ang nagkamit nito ngunit matigas ang ulo ng iba. 8 Tulad ng nasusulat: “Binigyan sila ng Diyos ng mapurol na diwa, mga matang hindi makakita at mga taingang hindi makarinig, hanggang sa panahong ito.” 9 At sinabi rin ni David, “Maging bitag at patibong nawa ang kanilang pagpipista, isang katitisuran at parusa sa kanila. 10 Lumabo nawa ang kanilang mata nang hindi sila makakita, at sila’y makuba sa hirap habang buhay.” (Roma 11:1-10)
Paliwanag
Dahil ang kaligtasan ay ayon sa biyaya, dapat tayong magpasalamat at manatiling tapat. Hindi tayo pwede magmalaki. Dahil lamang sa biyaya ng Diyos kaya tayo naligtas.
[bctt tweet=”Dahil ang kaligtasan ay ayon sa biyaya, dapat tayong magpasalamat at manatiling tapat.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 11:1-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang mangyayari kapag nakalimutan natin magpasalamat sa biyaya ng Diyos?
2. Ano ang tamang pag-uugali dapat natin patungkol sa biyaya ng Diyos?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay?
Main Idea
“Dahil ang kaligtasan ay ayon sa biyaya, dapat tayong magpasalamat at manatiling tapat.” (“Since salvation is by grace, we must be grateful and faithful.”)
[bctt tweet=”Since salvation is by grace, we must be grateful and faithful.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.