Revealing Your Personal Testimony
DAILY DEVOTIONAL (8-27-2021)
1 When Jesus came down from the mountainside, large crowds followed him. 2 A man with leprosy came and knelt before him and said, “Lord, if you are willing, you can make me clean.” 3 Jesus reached out his hand and touched the man. “I am willing,” he said. “Be clean!” Immediately he was cleansed of his leprosy. 4 Then Jesus said to him, “See that you don’t tell anyone. But go, show yourself to the priest and offer the gift Moses commanded, as a testimony to them.” (Matthew 8:1-4)
1 Pagbaba ni Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. 2 Lumapit sa kanya ang isang taong may ketong, lumuhod sa harapan niya, at sinabi, “Panginoon, kung nais po ninyo, ako’y inyong mapapagaling at magagawang malinis.” 3 Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Oo, nais ko. Maging malinis ka.” Gumaling at luminis nga agad ang ketongin. 4 Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip, pumunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog na iniuutos ni Moises bilang patunay sa mga tao na ikaw nga’y magaling at malinis na.” (Mateo 8:1-4)
Paliwanag
Ang kaharian ng Diyos ay espirituwal na katotohanan. Hindi ito nakikita ng mata ngunit ang epekto nito sa buhay ng mga tao at sa paligid ay hayag. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng ating patotoo. Kailangan ng mga hindi pa mananampalataya ang pagsasalarawan nito sa pamamagitan ng ating patotoo. Huwag lamang tayo umasa sa mga salita o pagtuturo. Ikuwento rin natin kung paano tayo nakakilala sa Panginoon.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:1-4).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit mahalaga na ikuwento rin natin ang ating patotoo sa mga taong hindi pa nakakakilala sa Panginoon?
2. Ano ang mabisang pamamaraan para magawa ito?
3. Magpraktis sa inyong grupo at magbigay ng feedback sa isa’t isa para maging mas epektibo ang ating patotoo.
Main Idea: “Ang patotoo mo ang nagbibigay ng balanseng pagsasalarawan ng espirituwal na realidad ng kaharian ng Diyos.” (“Your testimony gives a balanced picture of the spiritual reality of God’s kingdom.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.