Restoring One Another As Believers In The Lord
DAILY DEVOTIONAL (8-10-2021)
5 If anyone has caused grief, he has not so much grieved me as he has grieved all of you to some extent—not to put it too severely. 6 The punishment inflicted on him by the majority is sufficient. 7 Now instead, you ought to forgive and comfort him, so that he will not be overwhelmed by excessive sorrow. 8 I urge you, therefore, to reaffirm your love for him. 9 Another reason I wrote you was to see if you would stand the test and be obedient in everything. 10 Anyone you forgive, I also forgive. And what I have forgiven—if there was anything to forgive—I have forgiven in the sight of Christ for your sake, 11 in order that Satan might not outwit us. For we are not unaware of his schemes. (2 Corinthians 2:5-11)
5 Kung may nagdulot ng kalungkutan kaninuman, hindi ito sa akin idinulot; hindi sa pinalalaki ko ang bagay na ito, pero ang totoo, kayong lahat ang dinulutan niya ng kalungkutan. 6 Sapat na ang parusang iginawad sa kanya ng nakararami sa inyo. 7 Dapat na ninyo siyang patawarin at aliwin upang hindi naman siya tuluyang masiraan ng loob dahil sa matinding lungkot. 8 Kaya nakikiusap akong ipadama ninyo sa kanya na siya’y mahal pa rin ninyo. 9 Ang isa pang dahilan ng pagsulat ko sa inyo noon ay upang subukin kayo at alamin kung sinusunod ninyo ang lahat ng ipinangaral ko sa inyo. 10 Ang sinumang pinatawad ninyo ay pinatawad ko na rin. Ang pinatawad ko, kung mayroon man akong dapat patawarin, ay pinatawad ko na sa harapan ni Cristo alang-alang sa inyo, 11 upang hindi tayo malamangan ni Satanas, sapagkat hindi lingid sa atin ang kanyang mga pamamaraan. (2 Corinto 2:5-11)
Paliwanag
Mahirap magpatupad ng church discipline sa loob ng isang samahan. Kailangan maunawaan natin ang tamang paraan. Higit pa dito, kailangan tama ang layunin natin. Ang layunin natin ay tulungan ang isa’t isa na makabalik o manatili sa presensiya ng Diyos. Kinakailangan ito para maging matagumpay tayo sa proseso ng pagdidisiplina sa isa’t isa nang ayon sa katotohanan.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (2 Corinto 2:5-11).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit madalas hindi nagtatagumpay ang pagdidisiplina sa loob ng isang samahan?
2. Ano ang kailangan para maging matagumpay tayo?
3. Paano natin ito ipatutupad sa ating samahan.
Main Idea: “Ang layunin natin sa pagdidisiplina sa iglesya ay maibalik ang bawat isa sa Panginoon at hindi sirain ang isa’t isa.” (“Our goal in church discipline must be to restore, not destroy, one another.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.