Responding to Hurt
DAILY DEVOTIONAL (8-12-2022)
37 “Do not judge, and you will not be judged. Do not condemn, and you will not be condemned. Forgive, and you will be forgiven. 38 Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.” 39 He also told them this parable: “Can the blind lead the blind? Will they not both fall into a pit? 40 The student is not above the teacher, but everyone who is fully trained will be like their teacher. 41 “Why do you look at the speck of sawdust in your brother’s eye and pay no attention to the plank in your own eye? 42 How can you say to your brother, ‘Brother, let me take the speck out of your eye,’ when you yourself fail to see the plank in your own eye? You hypocrite, first take the plank out of your eye, and then you will see clearly to remove the speck from your brother’s eye. (Luke 6:37-42)
37 “Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan. Magpatawad kayo at kayo’y patatawarin. 38 Magbigay kayo at kayo’y bibigyan din; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo.” 39 Tinanong sila ni Jesus nang patalinghaga, “Maaari kayang mag-akay ang isang bulag ng kapwa niya bulag? Pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa nila ang ganoon! 40 Walang alagad na nakakahigit sa kanyang guro, ngunit matapos maturuang lubos, ang alagad ay makakatulad ng kanyang guro. 41 “Bakit mo pinapansin ang puwing ng iyong kapatid ngunit hindi mo pinapansin ang troso sa iyong mata? 42 Paano mo masasabi sa iyong kapatid, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang iyong puwing,’ gayong hindi mo nakikita ang trosong nasa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang troso sa iyong mata, nang makakita kang mabuti; sa gayon, maaalis mo na ang puwing ng iyong kapatid.” (Lucas 6:37-42)
Paliwanag
Ang pinakamagandang tugon natin sa pananakit ay biyaya. Huwag tayo basta-basta maghusga o manakit rin. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa atin. Tulad Niya, nais ng Panginoon na tumugon tayo sa anumang uri ng pananakit sa pamamagitan ng biyaya o kagandahan ng loob.
[bctt tweet=”Ang pinakamagandang tugon natin sa pananakit ay biyaya.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 6:37-42).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na pagtugon ng mga tao kapag sila ay nasasaktan?
2. Paano tayo tutugon sa pananakit bilang mga alagad ni Cristo?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang pinakamagandang tugon natin sa pananakit ay biyaya.” (“Our best response to hurt is grace.”)
[bctt tweet=”Our best response to hurt is grace.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.