Resolving Differences
DAILY DEVOTIONAL (3-31-2022)
1 Then after fourteen years, I went up again to Jerusalem, this time with Barnabas. I took Titus along also. 2 I went in response to a revelation and, meeting privately with those esteemed as leaders, I presented to them the gospel that I preach among the Gentiles. I wanted to be sure I was not running and had not been running my race in vain. 3 Yet not even Titus, who was with me, was compelled to be circumcised, even though he was a Greek. 4 This matter arose because some false believers had infiltrated our ranks to spy on the freedom we have in Christ Jesus and to make us slaves. 5 We did not give in to them for a moment, so that the truth of the gospel might be preserved for you. 6 As for those who were held in high esteem—whatever they were makes no difference to me; God does not show favoritism—they added nothing to my message. 7 On the contrary, they recognized that I had been entrusted with the task of preaching the gospel to the uncircumcised, just as Peter had been to the circumcised. 8 For God, who was at work in Peter as an apostle to the circumcised, was also at work in me as an apostle to the Gentiles. 9 James, Cephas and John, those esteemed as pillars, gave me and Barnabas the right hand of fellowship when they recognized the grace given to me. They agreed that we should go to the Gentiles, and they to the circumcised. 10 All they asked was that we should continue to remember the poor, the very thing I had been eager to do all along. (Galatians 2:1-10)
1 Makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem kasama si Bernabe. Isinama ko rin si Tito. 2 Bumalik ako sapagkat inihayag sa akin ng Diyos na dapat akong pumunta doon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga kinikilalang pinuno ng iglesya, at inilahad ko sa kanila ang Magandang Balitang ipinapangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito dahil ayaw kong mawalan ng kabuluhan ang aking ginawa at ginagawa pa. 3 Kahit na isang Griego ang kasama kong si Tito, hindi nila pinilit na magpatuli ito 4 kahit may ilang huwad na kapatid na nagtangka ng gayon. Nakihalubilo sila sa amin upang manmanan ang kalayaang taglay natin kay Cristo Jesus. Nais nila kaming maging mga alipin. 5 Hindi kami nagpailalim sa kanilang kagustuhan kahit isang saglit, upang maingatan namin para sa inyo ang tunay na kahulugan ng Magandang Balita. 6 Ngunit walang idinagdag sa akin ang mga kinikilalang pinuno; hindi mahalaga sa akin kung sino man sila, sapagkat walang itinatangi ang Diyos. 7 Sa halip, kinilala nila na ipinagkatiwala sa akin ang pangangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil, kung paanong ipinagkatiwala kay Pedro ang pangangaral ng Magandang Balita sa mga Judio. 8 Ang Diyos na nagbigay ng kapangyarihan kay Pedro na mangaral sa mga Judio ang siya ring nagbigay sa akin ng kapangyarihang mangaral sa mga Hentil. 9 Nakita nina Santiago, Pedro at Juan, na mga kinikilalang haligi ng iglesya, ang kagandahang-loob na ibinigay sa akin, kaya’t kami ni Bernabe ay buong puso nilang tinanggap bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kami’y sa mga Hentil mangangaral at sila nama’y sa mga Judio. 10 Ang hiling lamang nila ay huwag naming kakaligtaan ang mga dukha, na siya namang masikap kong ginagawa. (Galacia 2:1-10)
Paliwanag
Ang pagkakaiba ay mareresolba lamang sa pamamagitan ng makaDiyos na pag-uusap. Hindi tayo kailangan mag-away, lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga bagay na hindi naman esensiyal. Dapat matuto tayo na magkaroon ng kababaan ng loob sa isa’t isa.
[bctt tweet=”Ang pagkakaiba ay mareresolba lamang sa pamamagitan ng makaDiyos na pag-uusap.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 2:1-10).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit humahantong sa di pagkakaisa ang mga pagkakaiba ng mga mananampalataya?
2. Ano ang dapat natin gawin kapag meron pagkakaiba sa pananaw o paniniwala?
3. Paano natin ipatutupad ito sa ating grupo.
Main Idea
“Ang pagkakaiba ay mareresolba lamang sa pamamagitan ng makaDiyos na pag-uusap.” (“Differences can only be resolved through godly dialogue.”)
[bctt tweet=”Differences can only be resolved through godly dialogue.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.