Replenished By The Lord
DAILY DEVOTIONAL (6-18-2021)
30 Kahit na ang mga kabataan ay napapagod at nanlulupaypay. 31 Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila’y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila’y lalakad ngunit hindi manghihina. (Isaias 40:30-31)
Paliwanag
Lahat ng tao ay may limitasyon. Hindi natin kayang gawin lahat ng bagay at sa matagal na panahon. Kailangan natin ng tulong o kailangan natin magpahinga. Kailangan natin ng pagkain o tubig para patuloy na mabuhay at gumawa ng mga bagay. Bagamat kaya natin sanayin ang sarili natin para lumawak ang ating kakayahan, limitado pa rin tayo sa kahulian. Tanging Panginoon lamang ang maaari magbigay nang higit na kalakasan at kapangyarihan sa atin.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Isaias 40:27-31).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit hirap tayo na tanggapin na meron tayo limitasyon at kailangan natin ang Panginoon?
2. Ano ang maaari natin makamtan sa piling ng Panginoon kung nanaisin natin ito palagi?
3. Paano mo ipatutupad ang natutunan mo sa araw na ito?
Main Idea: “Panginoon lang ang maaari magpalakas sa iyong buong kaluluwa.” (“Only the Lord can fully replenish your soul.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.