Renewing A Person’s Mind Through The Word Of God
DAILY DEVOTIONAL (10-4-2021)
14 But as for you, continue in what you have learned and have become convinced of, because you know those from whom you learned it, 15 and how from infancy you have known the Holy Scriptures, which are able to make you wise for salvation through faith in Christ Jesus. 16 All Scripture is God-breathed and is useful for teaching, rebuking, correcting and training in righteousness, 17 so that the servant of God may be thoroughly equipped for every good work. (2 Timothy 3:14-17)
14 Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutunan mo at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata alam mo na ang Banal na Kasulatan, na may kapangyarihang magbigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain. (2 Timoteo 3:14-17)
Paliwanag
Ang salita ng Diyos ay napakahalaga para sa paglago at pagbubunga ng isang mananampalataya. Kung ito ay pababayaan, siguradong manghihina ang isang tagasunod ni Cristo. Hindi rin mapatutupad ang layunin ng Diyos para sa kanyang buhay. Ito ang dahilan kung bakit madaming mananampalataya ang hindi epektibo sa kanilang pamunuhay bilang mga Kristiano.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (2 Timoteo 3:14-17).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit napapabayaan ng karamihan ang salita ng Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay?
2. Ano ang maitutulong ng salita ng Diyos sa buhay ng isang mananampalataya?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa na pahalagahan ang salita ng Diyos?
Main Idea: “Ang salita ng Diyos ay napakahalaga para sa paglago at pagbubunga ng isang mananampalataya.” (“The word of God is essential for the growth and fruitfulness of a believer.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.