Relying on God’s Transforming Methods To Develop Leaders
DAILY DEVOTIONAL (10-28-2021)
2 Consider it pure joy, my brothers and sisters, whenever you face trials of many kinds, 3 because you know that the testing of your faith produces perseverance. 4 Let perseverance finish its work so that you may be mature and complete, not lacking anything. 5 If any of you lacks wisdom, you should ask God, who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you. 6 But when you ask, you must believe and not doubt, because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind. 7 That person should not expect to receive anything from the Lord. 8 Such a person is double-minded and unstable in all they do. (James 1:2-8)
2 Mga kapatid, magalak kayo kapag kayo’y dumaranas ng iba’t ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na nagiging matatag ang inyong pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok. 4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo’y maging ganap at walang pagkukulang. 5 Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya’y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay nang sagana at hindi nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya. (Santiago 1:2-8)
Paliwanag
Ang Diyos ang gumagawa ng mga leader mula sa loob palabas. Bagamat meron tayong tungkulin para magturo at magsanay, Siya lamang ang may kapangyarihan na humubog sa isang tao para maging isang leader. Pinapahintulutan Niya ang iba’t ibang uri ng mga karanasan at pagsubok upang hubugin ang isang leader ayon sa kawangis ni Cristo.
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Santiago 1:2-8).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Paano hinuhubog ng Diyos ang isang tao upang maging isang leader?
2. Ano ang tungkulin ng ibang leader sa paligid niya para matulungan siya sa proseso na ito?
3. Naisasagawa ba natin ito?
Main Idea: “Ang Diyos ang gumagawa ng mga leader mula sa loob palabas.” (“God is the One who develops leaders from the inside out.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.