Relating to or Reading the Old Testament
DAILY DEVOTIONAL (4-8-2022)
19 Why, then, was the law given at all? It was added because of transgressions until the Seed to whom the promise referred had come. The law was given through angels and entrusted to a mediator. 20 A mediator, however, implies more than one party; but God is one. 21 Is the law, therefore, opposed to the promises of God? Absolutely not! For if a law had been given that could impart life, then righteousness would certainly have come by the law. 22 But Scripture has locked up everything under the control of sin, so that what was promised, being given through faith in Jesus Christ, might be given to those who believe. 23 Before the coming of this faith,[a] we were held in custody under the law, locked up until the faith that was to come would be revealed. 24 So the law was our guardian until Christ came that we might be justified by faith. 25 Now that this faith has come, we are no longer under a guardian. (Galatians 3:19-25)
19 Kung ganoon, ano ang silbi ng Kautusan? Idinagdag ito upang maipakita kung ano ang paglabag, at may bisa ito hanggang sa dumating ang anak na pinangakuan. Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan. 20 Kapag may tagapamagitan, nangangahulugang higit sa isang panig ang gumagawa ng kasunduan—subalit ang Diyos ay iisa. 21 Ang ibig bang sabihin nito’y salungat ang Kautusan sa mga pangako [ng Diyos]? Hinding-hindi! Kung ang kautusang ibinigay ay nakapagbibigay-buhay, ang tao’y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod niya sa Kautusan. 22 Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao’y alipin ng kasalanan, kaya’t ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibinibigay sa lahat ng sumasampalataya. 23 Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo’y nakakulong sa Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. 24 Kaya’t ang Kautusan ang naging taga-disiplina natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo’y maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. 25 Ngayong dumating na ang panahon ng pananampalataya, wala na tayo sa ilalim ng taga-disiplina. (Galacia 3:19-25)
Paliwanag
Ang Lumang Tipan ay para rin sa atin dahil kay Jesus. Kaya huwag natin baliwalain ito. At huwag rin natin ituring na parang nasa ilalim pa rin tayo ng mga alituntunin nito. Tayo ay malaya na kay Cristo. Basahin natin ang Lumang Tipan ayon sa pananampalataya natin kay Cristo Jesus.
[bctt tweet=”Ang Lumang Tipan ay para rin sa atin dahil kay Jesus.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 3:19-25).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang pananaw ng karamihan patungkol sa Lumang Tipan o Old Testament?
2. Ano dapat ang ating pananaw patungkol sa Lumang Tipan o Old Testament?
3. Paano natin ipapatupad ito?
Main Idea
“Ang Lumang Tipan ay para rin sa atin dahil kay Jesus.” (“The Old Testament is also for us because of Jesus.”)
[bctt tweet=”The Old Testament is also for us because of Jesus.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.