Proclaiming The Good News Of The Kingdom
DAILY DEVOTIONAL (8-24-2021)
17 From that time on Jesus began to preach, “Repent, for the kingdom of heaven has come near.” … 23 Jesus went throughout Galilee, teaching in their synagogues, proclaiming the good news of the kingdom, and healing every disease and sickness among the people. 24 News about him spread all over Syria, and people brought to him all who were ill with various diseases, those suffering severe pain, the demon-possessed, those having seizures, and the paralyzed; and he healed them. 25 Large crowds from Galilee, the Decapolis, Jerusalem, Judea and the region across the Jordan followed him. (Matthew 4:17, 23-25)
17 Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating ang kaharian ng langit.” … 23 Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagtuturo siya sa mga sinagoga at ipinapangaral ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinapagaling din niya ang lahat ng uri ng sakit at karamdaman ng mga tao. 24 Ang balita tungkol sa kanya ay kumalat sa buong Siria kaya’t dinadala sa kanya ang lahat ng maysakit at mga nahihirapan dahil sa iba’t ibang karamdaman, mga sinasapian ng mga demonyo, mga may epilepsya at mga paralitiko. Silang lahat ay kanyang pinagaling. 25 Dahil dito, sinusundan siya ng napakaraming tao buhat sa Galilea, sa Decapolis, Jerusalem, Judea, at maging sa ibayo ng Jordan. (Mateo 4:17, 23-25)
Paliwanag
Ang tanging paraan para magkaroon ng pagbabago sa puso ng mga tao ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Mabuting Balita patungkol kay Jesus. Wala ng iba pang paraan. Siya lamang ang maaari magdulot ng kompletong kaligtasan sa kaharian ng Diyos. Kung ipahahayag natin ang Mabuting Balita, at bibigyan natin ng pagkakataon ang mga tao na magpasya, maaari nila makamtan ang tunay na kaligtasan sa pamamagitan Niya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 4:17, 23-25).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit hindi masyado naipapahayag ang Mabuting Balita sa mga tao ngayon?
2. Ano ang kinakailangan para maipahayag natin ito?
3. Ano ang gagawin natin bilang isang komunidad para maipahayag ito?
Main Idea: “Ang Mabuting Balita ay ito: Sa pamamagitan ni Jesus maari maranasan ang kompleting kaligtasan sa kaharian ng Diyos.” (“The gospel is that through Jesus there is complete salvation in the kingdom of God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.