Proclaiming Christ in the Workplace
DAILY DEVOTIONAL (1-13-2022)
5 Slaves, obey your earthly masters with respect and fear, and with sincerity of heart, just as you would obey Christ. 6 Obey them not only to win their favor when their eye is on you, but as slaves of Christ, doing the will of God from your heart. 7 Serve wholeheartedly, as if you were serving the Lord, not people, 8 because you know that the Lord will reward each one for whatever good they do, whether they are slave or free. 9 And masters, treat your slaves in the same way. Do not threaten them, since you know that he who is both their Master and yours is in heaven, and there is no favoritism with him. (Ephesians 6:5-9)
5 Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong katapatan, takot at paggalang, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. 6 Gawin ninyo iyan, may nakakakita man o wala, hindi upang mapuri ng mga tao kundi dahil kayo’y mga lingkod ni Cristo at buong pusong sumusunod sa kalooban ng Diyos. 7 Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya. 9 Mga amo, maging mabait kayo sa inyong mga alipin at huwag silang pagbabantaan. Huwag ninyong kalilimutan na kayo’y parehong alipin ng iisang Panginoon na nasa langit, at pantay ang kanyang pagtingin sa inyo. (Efeso 6:5-9)
Paliwanag
Huwag natin iwan ang ating pananampalataya sa loob ng sambahan. Kailangan mamuhay tayo para sa Panginoon kahit saan tayo naroroon, maging sa trabaho. Dapat tayong managot kay Cristo anuman ang ating tungkulin sa trabaho.
[bctt tweet=”Dapat tayong managot kay Cristo anuman ang ating tungkulin sa trabaho.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 6:5-9).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit madalas hindi natin napaparangalan si Cristo sa larangan ng trabaho?
2. Paano natin magagawa ito ayon sa utos ng salita ng Diyos?
3. Paano natin ito maipapatupad sa praktikal na pamamaraan?
Main Idea
“Dapat tayong managot kay Cristo anuman ang ating tungkulin sa trabaho.” (“We must be accountable to Christ regardless of our role in the workplace.”)
[bctt tweet=”We must be accountable to Christ regardless of our role in the workplace.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.