Proclaiming Christ as a Husband
DAILY DEVOTIONAL (1-11-2022)
25 Husbands, love your wives, just as Christ loved the church and gave himself up for her 26 to make her holy, cleansing her by the washing with water through the word, 27 and to present her to himself as a radiant church, without stain or wrinkle or any other blemish, but holy and blameless. 28 In this same way, husbands ought to love their wives as their own bodies. He who loves his wife loves himself. 29 After all, no one ever hated their own body, but they feed and care for their body, just as Christ does the church— 30 for we are members of his body. 31 “For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and the two will become one flesh.” 32 This is a profound mystery—but I am talking about Christ and the church. 33 However, each one of you also must love his wife as he loves himself, and the wife must respect her husband. (Ephesians 5:25-33)
25 Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa na gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya. Inihandog niya ang kanyang buhay para sa iglesya 26 upang ialay ito sa Diyos, matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita. 27 Ginawa niya ito upang ang iglesya ay maiharap niya sa kanyang sarili na nasa kagandahan nito, walang anumang dungis ni kulubot man, banal at walang anumang kapintasan. 28 Gayundin naman, dapat mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. 29 Walang taong namumuhi sa sarili niyang katawan. Sa halip, ito’y kanyang pinapakain at inaalagaan, tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya. 30 Tayo nga’y mga bahagi ng kanyang katawan. 31 Gaya ng sinasabi sa kasulatan, “Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa; at silang dalawa ay magiging isa.” 32 Mayroon ditong malalim na hiwaga, at sinasabi ko na ito’y tumutukoy sa kaugnayan ni Cristo sa iglesya. 33 Subalit ito’y para din sa inyo: kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng inyong sarili; mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa. (Efeso 5:25-33)
Paliwanag
Hindi lamang sa pagtatrabaho naipapakita ng lalaki ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa. Maipapahayag ng asawang lalaki si Cristo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin kay Cristo sa kanilang sakripisyo. Ang halimbawa ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya ang dapat maging halimbawa ng mga asawang lalaki sa kanilang pagmamahal sa kanilang asawang babae.
[bctt tweet=”Maipapahayag ng asawang lalaki si Cristo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin kay Cristo sa kanilang sakripisyo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 5:25-33).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Paano madalas naipapakita ng isang lalaki ang kanyang pagmamahal sa kanyang asawa?
2. Ayon sa salita ng Diyos, paano dapat mahalin ng isang lalaki ang kanyang asawang babae?
3. Paano natin maipapatupad ito?
Main Idea
“Maipapahayag ng asawang lalaki si Cristo sa pamamagitan ng pagbibigay-diin kay Cristo sa kanilang sakripisyo.” (“Husbands can proclaim Christ by emphasizing Christ in their sacrifice.”)
[bctt tweet=”Husbands can proclaim Christ by emphasizing Christ in their sacrifice.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.