Principles of Transformation
DAILY DEVOTIONAL (8-15-2022)
43 “No good tree bears bad fruit, nor does a bad tree bear good fruit. 44 Each tree is recognized by its own fruit. People do not pick figs from thornbushes, or grapes from briers. 45 A good man brings good things out of the good stored up in his heart, and an evil man brings evil things out of the evil stored up in his heart. For the mouth speaks what the heart is full of. (Luke 6:43-45)
43 “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at wala ring masamang puno na namumunga ng mabuti. 44 Nakikilala ang bawat puno sa pamamagitan ng kanyang bunga. Sapagkat hindi nakakapitas ng igos sa matitinik na halaman o ng ubas sa mga dawag. 45 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.” (Lucas 6:43-45)
Paliwanag
Ang tunay na pagbabago ay nag-uumpisa sa puso natin. Hindi ito nakukuha sa pagbabago lamang ng panlabas na ugali. Hindi rin tatagal kapag panlabas lamang. Kailangan ang pagbabago ay magmula sa puso ng isang tao at ito ay sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu.
[bctt tweet=”Ang tunay na pagbabago ay nag-uumpisa sa puso natin.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 6:43-45).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit hindi nagtatagal ang pagbabago kung ito ay panlabas lamang?
2. Paano nangyayari ang tunay na pagbababago?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Ang tunay na pagbabago ay nag-uumpisa sa puso natin.” (“True transformation begins in our hearts.”)
[bctt tweet=”True transformation begins in our hearts.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.