Places of Silence and Solitude
DAILY DEVOTIONAL (6-16-2021)
10 Nang malaman ni Daniel na nilagdaan na ng hari ang gayong kautusan, umuwi siya. Lumuhod siya’t nanalangin at nagpasalamat sa kanyang Diyos sa isang silid sa itaas ng kanyang tirahan sa may bukás na bintanang nakaharap sa Jerusalem. Tatlong beses niyang ginagawa ito sa maghapon gaya ng kanyang kinaugalian. (Daniel 6:10)
Paliwanag
Tayo ay may kapasyahan kung ano ang nais natin gawin at kung saan tayo nais pumunta. Lahat ng ito ay may epekto rin sa atin, maaaring sa ikakabuti natin o ikasasama natin. Walang iba na magpapasya patungkol dito kundi tayo. Kapag pinili natin na gawin prioridad ang makapiling ang Panginoon nang pansarili, tayo ay magkakaroon ng kapangyarihan upang luwalhatiin ang Diyos sa ating buhay.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Daniel 6:1-28).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit mahalaga na magkaroon tayo ng panahon palagi para manatili sa presensiya ng Diyos nang pansarili lamang?
2. Ano ang hamon sa panahon natin ngayon para matupad ito?
3. Paano mo mapagtatagumpayan ang mga hamon na ito?
Main Idea: “Ang makapiling ang Diyos nang pansarili ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maluwalhati ang Diyos.” (“Being alone with God empowers you to glorify God.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.