Persuading Seekers To Follow Christ
DAILY DEVOTIONAL (9-1-2021)
18 When Jesus saw the crowd around him, he gave orders to cross to the other side of the lake. 19 Then a teacher of the law came to him and said, “Teacher, I will follow you wherever you go.” 20 Jesus replied, “Foxes have dens and birds have nests, but the Son of Man has no place to lay his head.” 21 Another disciple said to him, “Lord, first let me go and bury my father.” 22 But Jesus told him, “Follow me, and let the dead bury their own dead.” (Matthew 8:18-22)
18 Nang makita ni Jesus ang mga tao sa kanyang paligid, iniutos niya sa mga alagad na maghandang tumawid sa kabilang ibayo. 19 Lumapit sa kanya ang isang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, sasama po ako sa inyo saanman kayo pupunta.” 20 Ngunit sumagot si Jesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit wala man lamang matulugan o mapagpahingahan ang Anak ng Tao.” 21 Isa naman sa mga alagad ay nagsabi sa kanya, “Panginoon, maaari po bang umuwi muna ako upang ipalibing ko ang aking ama?” 22 Ngunit sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay.”
Paliwanag
Marami ang mga taong tumatanggap kay Cristo ngunit hindi sumusunod sa Kanya. Sila ay marahil nanalangin na tumanggap kay Cristo (prayed to receive Christ) ngunit ang puso nila ay nanatiling malayo sa Kanya. Hindi pa rin sila tagasunod o alagad ni Cristo hanggang ngayon. Ang dapat maging layunin natin sa paghahayo ay yung mahikayat ang mga tao na maging tagasunod Niya, hindi lamang yung tanggapin Siya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Mateo 8:18-22).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ito.
1. Bakit hindi sapat yung tanggapin lamang si Cristo? Bakit mahalaga na maging tagasunod o alagad Niya?
2. An0 ang mga palatandaan na ang isang tao ay nagiging tagasunod o alagad ni Jesus?
3. Tayo ba ay tagasunod o alagad na ni Cristo?
Main Idea: “Ang layunin natin ay himukin ang mga nagsasaliksik na maging tagasunod ni Cristo, hindi lamang tanggapin si Cristo.” (“Our goal is to persuade seekers to follow Christ, not just accept Christ.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.