Outside of Our Comfort Zone
DAILY DEVOTIONAL (8-3-2022)
27 After this, Jesus went out and saw a tax collector by the name of Levi sitting at his tax booth. “Follow me,” Jesus said to him, 28 and Levi got up, left everything and followed him. 29 Then Levi held a great banquet for Jesus at his house, and a large crowd of tax collectors and others were eating with them. 30 But the Pharisees and the teachers of the law who belonged to their sect complained to his disciples, “Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?” 31 Jesus answered them, “It is not the healthy who need a doctor, but the sick. 32 I have not come to call the righteous, but sinners to repentance.” (Luke 5:27-32)
27 Pagkatapos nito’y lumabas si Jesus at nakita niya si Levi, isang maniningil ng buwis, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” 28 Tumayo nga si Levi, iniwan ang lahat, at sumunod kay Jesus. 29 Si Jesus ay hinandugan ni Levi ng isang malaking handaan sa kanyang bahay. Kasalo niya roon ang maraming maniningil ng buwis at iba pang mga tao. 30 Kaya’t nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga kasamahan nilang tagapagturo ng Kautusan. Sinabi nila sa mga alagad ni Jesus, “Bakit kayo kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?” 31 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila’y magsisi.” (Lucas 5:27-32)
Paliwanag
Para maligtas ang naliligaw, kailangan lumabas sa ating komportableng kinalalagyan. Hindi sapat na manatili lamang tayo sa loob ng ating mga gusali. Kailangan hanapin natin sila. Sa tulong ng Panginoon, magagawa natin ito nang matagumpay.
[bctt tweet=”Para maligtas ang naliligaw, kailangan lumabas sa ating komportableng kinalalagyan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 5:27-32).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit mas gusto ng mga mananampalataya na magsama-sama palagi?
2. Paano tayo makalalabas sa ating komportableng kinalalagyan?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Para maligtas ang naliligaw, kailangan lumabas sa ating komportableng kinalalagyan.” (“To save the lost, we must go outside of our comfort zone.”)
[bctt tweet=”To save the lost, we must go outside of our comfort zone.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.