Our Security In Christ
DAILY DEVOTIONAL (3-8-2022)
9 For in Christ all the fullness of the Deity lives in bodily form, 10 and in Christ you have been brought to fullness. He is the head over every power and authority. 11 In him you were also circumcised with a circumcision not performed by human hands. Your whole self ruled by the flesh was put off when you were circumcised by Christ, 12 having been buried with him in baptism, in which you were also raised with him through your faith in the working of God, who raised him from the dead. 13 When you were dead in your sins and in the uncircumcision of your flesh, God made you alive with Christ. He forgave us all our sins, 14 having canceled the charge of our legal indebtedness, which stood against us and condemned us; he has taken it away, nailing it to the cross. 15 And having disarmed the powers and authorities, he made a public spectacle of them, triumphing over them by the cross. (Colossians 2:9-15)
9 Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo sa kanyang pagiging tao. 10 Kaya’t nalubos ang inyong buhay sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa sa kanya, na siyang nakakasakop sa lahat ng kapangyarihan at pamamahala. 11 Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo’y tinuli hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Cristo. 12 Sa pamamagitan ng bautismo, nailibing kayong kasama ni Cristo at muli rin kayong nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya. 13 Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang lahat ng naisulat na alituntunin laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus. 15 Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito’y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay. (Colosas 2:9-15)
Paliwanag
Ang ating espirituwal na buhay ay nakasalalay sa ating siguradong katayuan kay Cristo. Ito ang dahilan kung bakit gagawin ni Satanas ang lahat para matinag tayo sa aspekto na ito. Kailangan panampalatayaan natin palagi kung sino tayo kay Cristo at manalig tayo sa ating siguradong katayuan sa Kanya.
[bctt tweet=”Ang ating espirituwal na buhay ay nakasalalay sa ating siguradong katayuan kay Cristo.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 2:9-15).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit natatalo ng Kaaway ang ilang mananampalataya?
2. Ano ang kailangan alalahanin at panampalatayaan upang magtagumpay tayo laban sa kanya?
3. Paano natin ito ipatutupad?
Main Idea
“Ang ating espirituwal na buhay ay nakasalalay sa ating siguradong katayuan kay Cristo.” (“Our spiritual lives depend on our security in Christ.”)
[bctt tweet=”Our spiritual lives depend on our security in Christ.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.