Our Freedom In Christ
DAILY DEVOTIONAL (3-9-2022)
16 Therefore do not let anyone judge you by what you eat or drink, or with regard to a religious festival, a New Moon celebration or a Sabbath day. 17 These are a shadow of the things that were to come; the reality, however, is found in Christ. 18 Do not let anyone who delights in false humility and the worship of angels disqualify you. Such a person also goes into great detail about what they have seen; they are puffed up with idle notions by their unspiritual mind. 19 They have lost connection with the head, from whom the whole body, supported and held together by its ligaments and sinews, grows as God causes it to grow. 20 Since you died with Christ to the elemental spiritual forces of this world, why, as though you still belonged to the world, do you submit to its rules: 21 “Do not handle! Do not taste! Do not touch!”? 22 These rules, which have to do with things that are all destined to perish with use, are based on merely human commands and teachings. 23 Such regulations indeed have an appearance of wisdom, with their self-imposed worship, their false humility and their harsh treatment of the body, but they lack any value in restraining sensual indulgence. (Colossians 2:16-23)
16 Kaya’t huwag na kayong magpapasakop pa sa anumang alituntunin tungkol sa pagkain o inumin, tungkol sa mga kapistahan, sa bagong buwan o sa Araw ng Pamamahinga. 17 Ang mga ito’y anyo lamang ng mga bagay na darating, ngunit si Cristo ang katuparan ng lahat ng ito. 18 Huwag kayong magpapatangay sa mga nagpapakita ng maling pagpapakumbaba at sumasamba sa mga anghel. Ipinagmamalaki nilang sila’y nakakahigit sa inyo dahil sa kanilang mga pangitain. Ngunit ang totoo, nagyayabang lamang sila dala ng kanilang isipang makalaman. 19 Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Nakaugnay sa kanya ang mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos. 20 Namatay na kayo na kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng 21 “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”? 22 Ang mga ito’y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos kapag ginagamit. 23 Sa kaanyuan, para ngang ayon sa karunungan ang ganoong uri ng pagsamba, pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay walang silbi sa pagpigil sa hilig ng laman. (Colosas 2:16-23)
Paliwanag
Ang ating kalayaan kay Cristo ay hindi dapat ikompromiso. Huwag natin hayaan ang sinuman na maghusga sa atin na parang meron kulang sa atin upang matanggap tayo ng Diyos. Dahil kay Cristo, tayo ay kumpleto. Kasama tayo sa pamilya ng Diyos dahil sa biyaya ni Cristo, hindi dahil tayo ay karapatdapat sa Kanya.
[bctt tweet=”Ang ating kalayaan kay Cristo ay hindi dapat ikompromiso.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Colosas 2:16-23).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Paano nagiging palahusga ang ilang mananampalataya sa kanilang kapwa?
2. Ano ang tama at balanse na pananaw patungkol sa kalayaan natin kay Cristo?
3. Paano natin ito maipatutupad sa ating grupo?
Main Idea
“Ang ating kalayaan kay Cristo ay hindi dapat ikompromiso.” (“Our freedom in Christ must never be compromised.”)
[bctt tweet=”Our freedom in Christ must never be compromised.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.