Our Family Blessings in Christ
DAILY DEVOTIONAL (4-11-2022)
26 So in Christ Jesus you are all children of God through faith, 27 for all of you who were baptized into Christ have clothed yourselves with Christ. 28 There is neither Jew nor Gentile, neither slave nor free, nor is there male and female, for you are all one in Christ Jesus. 29 If you belong to Christ, then you are Abraham’s seed, and heirs according to the promise. 1 What I am saying is that as long as an heir is underage, he is no different from a slave, although he owns the whole estate. 2 The heir is subject to guardians and trustees until the time set by his father. 3 So also, when we were underage, we were in slavery under the elemental spiritual forces of the world. 4 But when the set time had fully come, God sent his Son, born of a woman, born under the law, 5 to redeem those under the law, that we might receive adoption to sonship. 6 Because you are his sons, God sent the Spirit of his Son into our hearts, the Spirit who calls out, “Abba, Father.” 7 So you are no longer a slave, but God’s child; and since you are his child, God has made you also an heir. (Galatians 3:26-4:7)
26 Dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. 27 Si Cristo mismo ang inyong isinuot na parang damit nang kayo’y nabautismuhan sa inyong pakikipag-isa sa kanya. 28 Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 29 At kung kayo’y kay Cristo, kayo’y mga anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos. Ito ang ibig kong sabihin: habang bata pa ang tagapagmana, hindi siya nakakahigit sa isang alipin kahit na siya ang may-ari ng lahat. 2 Sa halip, siya’y nasa ilalim pa ng mga tagapangasiwa at mga katiwala hanggang sa panahong itinakda ng kanyang ama. 3 Gayundin naman, tayo noon ay nasa ilalim ng mga tuntuning umiiral sa sanlibutang ito hanggang sa tayo’y dumating sa hustong gulang. 4 Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak na isinilang ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan 5 upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y maituturing na mga anak ng Diyos. 6 At dahil kayo’y mga anak ng Diyos, isinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, na tumatawag sa Diyos ng “Ama, Ama ko!” 7 Ginawa na kayo ng Diyos na mga anak at hindi na mga alipin, at kung gayon kayo’y mga tagapagmana niya. (Galacia 3:26-4:7)
Paliwanag
Tanging kay Cristo lamang natin mararanasan ang pagpapala bilang pamilya ng Diyos. Wala ng iba pang paraan. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin dapat pabayaan ang ating relasyon kay Cristo. Sa pamamagitan ng pananampalataya, nais ng Panginoon na manatili tayo bilang bahagi ng Kanyang pamilya.
[bctt tweet=”Tanging kay Cristo lamang natin mararanasan ang pagpapala bilang pamilya ng Diyos.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Galacia 3:26-4:7).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit napapabayaan ng ilang Kristyano ang kanilang relasyon kay Cristo?
2. Bakit mahalaga na manatili tayo sa pananampalataya kay Cristo?
3. Paano natin matutulungan ang isa’t isa patungkol dito?
Main Idea
“Tanging kay Cristo lamang natin mararanasan ang pagpapala bilang pamilya ng Diyos.” (“Only in Christ can we experience God’s family blessings.”)
[bctt tweet=”Only in Christ can we experience God’s family blessings.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.