Never Too Old To Serve The Lord
DAILY DEVOTIONAL (7-18-2022)
36 There was also a prophet, Anna, the daughter of Penuel, of the tribe of Asher. She was very old; she had lived with her husband seven years after her marriage, 37 and then was a widow until she was eighty-four.[a] She never left the temple but worshiped night and day, fasting and praying. 38 Coming up to them at that very moment, she gave thanks to God and spoke about the child to all who were looking forward to the redemption of Jerusalem. (Luke 2:36-38)
36 Naroon din sa Templo ang isang propetang babae na ang pangalan ay Ana, anak ni Fanuel at mula sa lipi ni Asher. Siya’y napakatanda na. Pitong taon lamang silang nagsama ng kanyang asawa, 37 at ngayo’y walumpu’t apat na taon na siyang biyuda. Lagi siya sa Templo at araw-gabi’y sumasamba sa Diyos sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin. 38 Nang oras na iyon, lumapit siya kina Jose at Maria at nagpasalamat sa Diyos. Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Diyos sa Jerusalem. (Lucas 2:36-38)
Paliwanag
Walang tao ang sobrang tanda para maglingkod sa Panginoon. Walang kinalaman ang edad sa paglilingkod sa Diyos. Kahit matanda na tayo, pwede pa rin tayo gumawa ng mga bagay na magbibigay sa kaluwalhatian sa Panginoon at makatutulong sa kapwa.
[bctt tweet=”Walang tao ang sobrang tanda para maglingkod sa Panginoon.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 2:36-38).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang madalas na inaasahan ng mga tao sa kanilang pagtanda?
2. Ano ang maaari natin magawa bilang paglilingkod sa Diyos kahit tayo ay matanda na?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Walang tao ang sobrang tanda para maglingkod sa Panginoon.” (“No one is too old to serve the Lord.”)
[bctt tweet=”No one is too old to serve the Lord.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.