Living in Relation to the World
DAILY DEVOTIONAL (6-14-2022)
8 Let no debt remain outstanding, except the continuing debt to love one another, for whoever loves others has fulfilled the law. 9 The commandments, “You shall not commit adultery,” “You shall not murder,” “You shall not steal,” “You shall not covet,” and whatever other command there may be, are summed up in this one command: “Love your neighbor as yourself.” 10 Love does no harm to a neighbor. Therefore love is the fulfillment of the law. 11 And do this, understanding the present time: The hour has already come for you to wake up from your slumber, because our salvation is nearer now than when we first believed. 12 The night is nearly over; the day is almost here. So let us put aside the deeds of darkness and put on the armor of light. 13 Let us behave decently, as in the daytime, not in carousing and drunkenness, not in sexual immorality and debauchery, not in dissension and jealousy. 14 Rather, clothe yourselves with the Lord Jesus Christ, and do not think about how to gratify the desires of the flesh. (Romans 13:8-14)
8 Huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, maliban na kayo’y magmahalan sa isa’t isa, sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay nakatupad na sa Kautusan. 9 Ang mga utos gaya ng, “Huwag kang mangangalunya; huwag kang papatay; huwag kang magnanakaw; huwag mong pagnanasaang maangkin ang pag-aari ng iba;” at alinmang utos na tulad ng mga ito ay nauuwing lahat sa iisang utos, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 10 Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang katuparan ng Kautusan. 11 Gawin ninyo ito, dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo’y unang sumampalataya sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kahalayan at kalaswaan, sa alitan at inggitan. 14 Gawin ninyo ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sandata at huwag ninyong pagbigyan ang laman upang masunod ang mga hilig nito. (Roma 13:8-14)
Paliwanag
Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na mamuhay ayon sa pag-ibig bilang mga anak ng liwanag. Iwasan natin ang mamuhay nang parang katulad ng mga tao sa mundo na hindi nakakakilala sa Diyos. Niligtas tayo ng Diyos at nililigtas araw-araw para tayo ay maging asin at liwanag sa mundong ito.
[bctt tweet=”Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na mamuhay ayon sa pag-ibig bilang mga anak ng liwanag.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Roma 13:8-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano-ano ang nagiging epekto ng mga skandalo at kasalanan ng mga mananampalataya sa mundong ito?
2. Paano tayo dapat mamuhay bilang mga mananampalataya sa mundong ito?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Tinuturuan tayo ng Ebanghelyo na mamuhay ayon sa pag-ibig bilang mga anak ng liwanag.” (“The Gospel teaches us to live in love as children of light.”)
[bctt tweet=”The Gospel teaches us to live in love as children of light.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.