Living as Light
DAILY DEVOTIONAL (1-6-2022)
7 Therefore do not be partners with them. 8 For you were once darkness, but now you are light in the Lord. Live as children of light 9 (for the fruit of the light consists in all goodness, righteousness and truth) 10 and find out what pleases the Lord. 11 Have nothing to do with the fruitless deeds of darkness, but rather expose them. 12 It is shameful even to mention what the disobedient do in secret. 13 But everything exposed by the light becomes visible—and everything that is illuminated becomes a light. 14 This is why it is said: “Wake up, sleeper, rise from the dead, and Christ will shine on you.” (Ephesians 5:7-14)
7 Kaya’t huwag kayong makisama sa kanila. 8 Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo’y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag. 9 Sapagkat pawang mabuti, matuwid at totoo ang ginagawa ng namumuhay sa liwanag. 10 Sikapin ninyong matutunan kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon. 11 Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti. Sa halip ay ibunyag ninyo ang mga iyon. 12 Kahiya-hiyang mabanggit man lamang ang mga bagay na iyon na ginagawa nila nang lihim. 13 Ang lahat ng nalalantad sa liwanag ay nakikilala kung ano talaga ang mga iyon, 14 at nalalantad ang lahat dahil sa liwanag. Kaya’t sinasabi, “Gumising ka, ikaw na natutulog, bumangon ka mula sa libingan, at liliwanagan ka ni Cristo.” (Efeso 5:7-14)
Paliwanag
Ang mamuhay nang may integridad ay ang magliwanag nang palagian. Tayo ay wala na sa kadiliman. Tayo ngayon ay nasa liwanag na. Huwag na natin gayahin ang mga tao na namumuhay sa dilim at walang takot sa Diyos. Piliin na natin ang mabuti at matuwid upang bigyan ng kaluwalhatian ang Diyos.
[bctt tweet=”Ang mamuhay nang may integridad ay ang magliwanag nang palagian.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Efeso 5:7-14).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Ano ang mga katangian ng mga taong namumuhay sa kadiliman?
2. Bakit hindi na tayo dapat mamuhay nang tulad nila?
3. Ano ang gagawin mo na kakaiba para ipatupad ito?
Main Idea
“Ang mamuhay nang may integridad ay ang magliwanag nang palagian.” (“To live with integrity is to shine as light consistently.”)
[bctt tweet=”To live with integrity is to shine as light consistently.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.