Levels of Commitment
DAILY DEVOTIONAL (8-9-2022)
17 He went down with them and stood on a level place. A large crowd of his disciples was there and a great number of people from all over Judea, from Jerusalem, and from the coastal region around Tyre and Sidon, 18 who had come to hear him and to be healed of their diseases. Those troubled by impure spirits were cured, 19 and the people all tried to touch him, because power was coming from him and healing them all. (Luke 6:17-19)
17 Pagbaba ni Jesus kasama ang mga apostol, nadatnan nila sa isang patag na lugar ang marami sa kanyang mga alagad, kasama ang napakaraming taong buhat sa Judea, Jerusalem, at mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. 18 Pumaroon sila upang makinig, at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling nga sila ni Jesus, pati na rin ang mga pinapahirapan ng masasamang espiritu. 19 Sinisikap ng lahat ng maysakit na makahawak man lamang sa kanya, sapagkat may kapangyarihang nanggagaling sa kanya na nagpapagaling sa lahat. (Lucas 6:17-19)
Paliwanag
Dapat tayong maglingkod sa lahat ngunit ayon sa kanilang katapatan. Unawain natin kung nasaan na ang mga tao sa kanilang paglalakbay ng pananampalataya. Huwag natin pilitin ang mga tao. Kapag nauunawaan na natin, maglingkod tayo sa kanila ayon sa kanilang pananampalataya.
[bctt tweet=”Dapat tayong maglingkod sa lahat ngunit ayon sa kanilang katapatan.” username=”rlccphil”]
Gabay para sa Small Group Discussion
Step 1 – Basahin ang konteksto (Lucas 6:17-19).
Step 2 – Pakinggan ang devotional nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga Discussion Questions.
Discussion Questions
1. Bakit iba’t iba ang level ng commitment ng mga tao sa iglesya?
2. Paano natin matutulungan ang mga tao ayon sa kanilang level ng commitment?
3. Paano mo ipatutupad ito sa iyong buhay?
Main Idea
“Dapat tayong maglingkod sa lahat ngunit ayon sa kanilang katapatan.” (“We minister to all but according to their commitment.”)
[bctt tweet=”We minister to all but according to their commitment.” username=”rlccphil”]
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.