Letting Go Of Control In God’s Presence
DAILY DEVOTIONAL (6-21-2021)
1 Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas, tinalikuran ko’t iniwan nang ganap; ang mga gawain na magpapatanyag iniwan ko na rin, di ko na hinangad. 2 Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay. (Awit 131:1-2)
Paliwanag
Nasanay tayo na gusto natin lahat ng bagay ay naaayon sa ating kagustuhan. Pati ang paglapit natin sa presensiya ng Diyos ay nagiging isang proyekto na nais natin kontrolin. Ngunit hindi ito ang nais ng Panginoon. Gusto Niya na magkaroon tayo ng pagsuko sa Kanyang presensiya at kalooban. Tanging sa ganitong paraan lamang maaari natin maranasan ang tunay na pagpapala.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Awit 131:1-3).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Bakit nawawalan ng gana ang iba kapag sila ay lumalapit sa presensiya ng Diyos?
2. Ano ang dapat natin isipin kapag tayo ay lumalapit sa presensiya ng Diyos?
3. Paano mo ito ipatutupad sa iyong buhay ngayon?
Main Idea: “Ang lugar ng katahimikan at pag-iisa ay lugar ng pagsuko hindi ng pagkontrol.” (“The place of silence and solitude is a place of surrender, not control.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.