Learning Together As A Church
DAILY DEVOTIONAL (7-9-2021)
22 Nang mabalitaan ito ng iglesya sa Jerusalem, isinugo nila sa Antioquia si Bernabe. 23 Nang dumating siya roon at makita ang pagpapala ng Diyos sa kanila, siya’y nagalak at pinagpayuhan silang lahat na manatiling tapat sa Panginoon nang buong puso. 24 Mabuting tao si Bernabe, puspos ng Espiritu Santo at ng pananampalataya sa Diyos. At marami pang tao ang sumampalataya sa Panginoon. 25 Nagpunta si Bernabe sa Tarso upang hanapin si Saulo, 26 at nang kanyang matagpuan ay isinama niya ito sa Antioquia. Isang taon silang nanatili roon na kasa-kasama ng iglesya, at nagtuturo sa maraming tao. Doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga tagasunod ni Jesus. (Gawa 11:22-26)
Paliwanag
Ang pagiging isang Kristiano ay may kinalaman sa pagiging isang disipulo ni Cristo kasama ng iba pang mga kapwa disipulo. Hindi lamang ito pagdalo sa mga worship services. Kasama ng iba, kalooban ng Diyos na tayo ay lumago sa ating pananampalataya at kaalaman. Tayo ay tinawag ng Diyos upang maging kapwa mag-aaral ni Cristo sa loob ng Kanyang iglesya.
Gabay para sa Online Small Group Discussion
Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Gawa 11:22-26).
Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.
Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):
1. Sapat ba na dumadalo lamang tayo sa mga worship services? Ano ang kalooban ng Diyos para sa atin bilang mga Kristiano?
2. Bakit mahalaga na maunawaan natin ito at mapatupad sa ating buhay?
3. Ano ang gagawin mo para mapatupad ito?
Main Idea: “Ang pagiging isang Kristiano ay ang maging isang disipulo kasama ng mga kapwa disipulo.” (“To be a Christian is to be a disciple together with others.”)
I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito.